Rendon Labador masama ang loob sa pagkasibak kay Michelle Sabino ng PNP-ACG; bukas ang puso’t isipan sa pagtakbong senador
NAGLABAS ng sama ng loob ang social media personality na si Rendon Labador matapos masibak sa pwesto bilang spokesperson ng PNP-Anti-Cybercrime Group na si Police Captain Michelle Sabino.
Hindi maintindihan ni Rendon kung bakit kailangang umabot sa pagtanggal sa kanyang posisyon si Sabino samantalang ginagawa lamang nito ang kanyang trabaho.
Inireklamo kasi ang pagpayag ni Sabino na sumama at mag-Facebook Live si Rendon sa pagsalakay ng ACG sa naturang lending company kung saan bumalandra sa publiko ang mukha ng mga empleyado ng kumpanya.
Sa kanyang Facebook post, nagtatakang tanong ng motivational speaker kung bakit ang ACG ang iniimbestihan ng pamunuan ng Philippine National Police.
Kalakip ang isang video ng isinagawang raid ng ACG sa isang online lending company na inirereklamo ang mga empleyado ng umano’y panghaharas sa mga taong may pagkakautang sa kanilang kumpanya, ibinahagi ni Rendon ang kanyang mensahe sa madlang pipol.
“HINDI KAMI KALABAN…
“Ginawa ni Capt. Sabino ng maayos ang kanyang tungkulin bilang public servant. Ipinakita ko ang accomplishment ng PNP ACG para makita ng mga OLA victims ang aksyon na ginagawa nila,” simulang pahayag ni Rendon.
“BAKIT KAMI ANG NA IMBESTIGAHAN AT NAGING MASAMA??? NATANGGAL PA SA PWESTO si Capt. Sabino.
Baka Bet Mo: Karla Estrada magiging opisyal nga ba sa Department of Tourism?
“Hindi ba dapat OLA ang tutukan natin dahil sila ang kalaban at hindi kami,” aniya pa.
Sabi pa niya sa hiwalay na FB post, “Illegal online lending apps ang kalaban hindi kami.
“Kung sino pa yung tapat sa trabaho siya pa yung napapasama,” ang pakikisimpatya pa niya kay Sabino.
Sa isang ulat, nabatid na pansamantalang hahawak ng ibang admin duties si Sabino habang naghahanap sila ng bagong tagapagsalita ng PNP-ACG.
View this post on Instagram
Matatandaang ikinadismaya din ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) head Undersecretary Gilbert Cruz ang ginawa ni Sabino dahil hindi ras siya inabisuhan ng PNP-ACG sa pagsama kay Labador at iba pang miyembro ng media para mag-cover sa kanilang operasyon.
Samantala, hindi isinasara ni Rendon ang kanyang isip at puso sa pagsabak sa magulo ngunit makulay na mundo ng politika.
Ayaw daw niyang magsalita ng patapos na hindi siya tatakbo sa anumang position sa gobyerno dahil baka kainin lamang niya ito pagdating ng panahon.
Sa panayam ni Anthony Taberna kay Rendon sa kanyang programang “Tune In Kay Tunying Live” last Thursday, October 26, ay diretsahan siyang tinanong kung may plano ba siyang maging politician.
“Teka muna, magpopolitiko ka rin ba? Baka makita ko kumakandidato kang senador, ah,” ang question ni Ka Tunying sa kontrobersyal na motivational speaker.
“Wala pa. Hindi ko sinasara yung option na yan pero wala pa sa isip yan sa ngayon,” ang tugon ni Rendon.
Naikuwento rin niya sa naturang panayam ang ilang detalye tungkol sa kanyang sarili bago pa siya nakilala sa social media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.