Maricel Soriano inaming si Vice Ganda ang pinakamalakas niyang nasampal: Dumugo e

Maricel Soriano inaming si Vice Ganda ang pinakamalakas niyang nasampal: Dumugo e
INAMIN ng Diamond Star na si Maricel Soriano na ang Unkabogable Star na si Vice Ganda ang pinakamalakas niyang nasampal.

Natanong kasi ang beteranang aktres sa kanyang X (dating Twitter) account ukol sa kumg sinong artista ang natamaan nang todo ng kanyang palad.

Sagot ni Maricel, si Vice raw ang nagwagi sa pinakamaswerteng napagbuhatan niya ng kamay.

“I think si @vicegandako, dumugo eh!” sey ng Diamond Star.

Nagkatrabaho noon sina Maricel at Vice Ganda sa pelikulang “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” (2013) na idinirek ng yumaong si Wenn V. Deramas.

Gumanap bilang ina ng apat na karakter ni Vice ang Diamond Star sa naturang pelikula habang si Joey Marquez naman ang naging tatay nito.

Baka Bet Mo: Maricel Soriano nag-sorry matapos sampalin si Kim Chiu: Sabi ko, ‘hindi po, pangarap ko po ‘to bilang artista’

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naging sagot ni Maricel.

“hahahahahaha that scene from Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Ikaw kc Mark Jill pinag-araro mo si Girlie kaya si Peter na may karamdaman sa atay ang pumalit kaya ayan tuloy naospital,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Yung masampal ka ni Inay Maria [Maricel] is such a blessing hahahaha”

May iba naman na nagtatanong kung hindi raw ba si Dingdong Dantes ang pinakamalala nitong nasampal.

“Dingdong ata parang nawala sa ulirat si Dingdong literal na umulan ng sampal ang intense ng scene na yon grabe,” lahad ng isang netizen.

Sey naman ng isa sa tweet ni Maricel, “Si Dingdong kasi habang sinasampal sya parang nararamdaman ko bawat sampal hahahahahaha”

Nagkatrabaho naman ang dalawa sa Kapuso serye na “Ang Dalawang Mrs. Real” noong 2014.

Samantala, inamin naman ni Kim Chiu na nayanig ang kanyang buong pagkatao matapos masampal ni Maricel sa Kapamilya series na “Linlang”.

Sa kanila nito ay sinabi naman ni Kim na isang karangalan ang masampal ng nag-iisang Diamond Star.

Related Chika:
Maricel Soriano nagagalit sa mga anak kapag hindi nagpapaalam bago umalis: Hindi ninyo puwedeng gawin sa akin ‘yang mga mille-millennial kayo, no!

Maricel hiyang-hiya kapag tinatawag na Diamond Star; gustung-gustong makatrabaho sina Daniel at Enchong

Read more...