‘Sine Niña’ ibabandera ang mga kwento ng ‘women’s rights’

Documentary film na ‘Sine Niña’ ibabandera ang mga kwento ng ‘women’s rights’, ‘women empowerment’

Pauline del Rosario - October 27, 2023 - 05:07 PM

Documentary film na ‘Sine Niña’ ibabandera ang mga kwento ng ‘women’s rights’, ‘women empowerment’

Sofia Abrogar of Any Name’s Okay; Hazel Faith; Jennifer Goldstein, Asst. Cultural Affairs Officer, US Embassy in the Philippines; Roslyn Pineda, General Manager, Sony Music Philippines; Diane Romero, Executive Director, J. Amado Araneta Foundation; Maica Teves, Executive Director, SPARK!; Carmen del Prado, Sine Niña Director

“THERE is always light,” ito ang sinabi ng 21-year-old na si Irish Miras habang inaalala niya ang mga trauma na naranasan niya noong siya’y bata pa.

Saad pa niya, “If I could talk to my younger self, I would tell her: ‘We are alive. We are doing okay.’”

Si Irish ay isa sa apat na mga kababaihang itinampok sa documentary film na may titulong “Sine Niña.”

Ang pelikula ay tungkol sa iba’t-ibang kwento ng mga kababaihan sa bansa na nagbibigay inspirasyon at “empowerment” sa mga manonood.

Bukod diyan, tinatalakay rin sa pelikula ang usaping equality, purpose, at mental health.

Ang “Sine Niña” ay nabuo sa pagsasanib-pwersa ng SPARK! (Samahan ng mga Pilipina Para sa Reporma at Kaunlaran) at Global Social Justice Fund ng Sony Music Group.

Para sa kaalaman ng marami, ang SPARK! ay isang non-government organization na nakatuon para sa pagpapaunlad ng mga kababaihan, habang ang Global Social Justice Fund ay nagbibigay ng mga proyekto upang suportahan ang social justice at anti-racist initiatives sa buong mundo.

Ginamit ng dalawang organisasyon ang kanilang partnership upang makapag-produce ng isang pelikula na iha-highlight ang karapatan at adbokasiya ng mga kababaihan.

Baka Bet Mo: SB19 bidang-bida sa Korean docu, Pinoy fans super proud: ‘Our national pride!’

Ang direktor ng “Sine Niña” ay si Carmen del Prado, at ang nag-scoring ng mga musika ay sina Pat Lasaten at Agnes Reoma ng Ben&Ben.

Ang mga featured songs sa documentary ay mula sa nasabing banda, Barbie Almalbis, Hazel Faith, at Any Name’s Okay.

Unang inilabas ang documentary noong October 18 sa Gateway sa Quezon City kung saan daan-daang mga estudyante ang nakapanood. 

Bukod sa screening nito, nagkaroon din ng panel discussion at pagtatanhal mula sa Sony Music Entertainment (SME) artists na sina Kai Buizon and Hazel Faith.

Ang screening ay isinabay sa pagdiriwang ng “International Day of the Girl,” ang araw na naglalayong magkaisa ang mga kabataang kababaihan.

“Sony Music Entertainment is dedicated to empowering and elevating all members of societies where we have a presence,” sey ng General Manager ng Sony Music Philippines.

Ani niya, “We are committed to bridging gaps in society and look forward to  the long- term impact of Sine Niña in helping unlock the potential of young women in the Philippines.”

“Together, let us build a future where every young woman can claim her rightful place and contribute to the progress of our society,” mensahe pa niya.

Ilan pang partners ng “Sine Niña” ay ang US Embassy in the Philippines, J. Amado Araneta Foundation, Girls Got Game, Quezon City Government, at Taguig City Government.

Mapapanood ang documentary film sa YouTube channel ng SPARK! simula October 31.

Related Chika:

Daniel sa 10 years ng KathNiel: Roller coaster ng mga memory ang nabalikan namin ni Kathryn…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Britney umiyak sa TV documentary tungkol sa kanyang buhay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending