Daniel sa 10 years ng KathNiel: Roller coaster ng mga memory ang nabalikan namin ni Kathryn…
Daniel Padilla at Kathryn Bernardo
TUWANG-TUWA ang celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa naging reaksyon ng kanilang loyal fans sa inilabas nilang special documentary.
Ito’y bilang bahagi pa rin ng selebrasyon para sa 10th year anniversary nila bilang magka-loveteam sa Philippine showbiz.
Mapapanood ang “KathNiel: Isang Dekada” sa YouTube channel ni Kathryn kung saan binalikan ng tinaguriang King & Queen of Hearts ang kanilang journey together sa entertainment industry hanggang sa maabot nga nila ang tugatog ng tagumpay.
“Yung mga pictures and videos sa documentary, ito ‘yung mga never pa nila nakita, hindi namin ni-release for the past 10 years.
“But we decided to share some of course, kasi dito namin nakikita kung paano kami tumanda ni DJ over the years,” ani Kathryn sa panayam ng ABS-CBN.
Dagdag pa ng dalaga, “Itinabi ko talaga ‘yun, ma-picture kasi ako. Tapos hinagilap sa baul lahat ng mga pictures. So I’m very happy kasi natuwa naman ‘yung mga fans kasi we really made this documentary for them.
“Kasi we want them to know how grateful we are and kung gaano namin naa-appreciate ‘yung journey na ‘yun kasama sila. So nakakatuwa kasi marami rin kaming na-interview ng fans at parte sila talaga ng docu,” sabi pa ni Kath.
Sey naman ni DJ, “Talagang roller coaster ng mga memories ang nabalikan namin ni Kathryn doon at naikuwento namin sa mga tao. Ang dami naming naikuwento doon na hindi pa namin naikukuwento dati at doon lang nila narinig at nalaman.”
Hirit pa ng binata, “Ang sarap balikan nu’ng masasayang memories na naganap nu’ng mga taon.
“Ang saya, ang sarap balikan. And wow, doon sa kinuha namin, ang dami naming mga videos with the fans na grabe, hindi mo na napansin at doon mo lang ulit nakita kaya ang sarap balikan,” lahad pa ng Kapamilya actor.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang magdyowa na 10 years na ang KathNiel. Sey nga ni Kathryn, “Grabe, ang bilis lahat nangyari ‘yun. And actually, ‘yun ‘yung sinabi namin nu’ng ginagawa ‘yung documentary.
“Doon lang namin naramdaman na, ‘oh my God! Sampung taon na pala.’ Hindi namin ‘yun napansin kasi in-enjoy namin ‘yung 10 years na ‘yun.
“But of course, hindi lahat nakakatungtong ng 10 taon kaya napakaswerte namin na nandito pa rin kami ni DJ at may opportunity kami to make more memories and more years together,” dugtong pang chika ng aktres.
In-announce na rin ng ABS-CBN na tuloy na ang reunion series nina DJ at Kath as part of their 10th anniversary celebration. Sila ang bibida sa upcoming Kapamilya series na “2 Good 2 Be True” sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.