KC Concepcion ‘nagpa-alter’ daw ng mukha, itInanggi ang pregnancy rumors: Guys old news na yan
PINALAGAN ng singer-actress na si KC Concepcion ang mga nang-iintriga sa kanya at nagsasabing nagdadalangtao siya at nagparetoke ng mukha.
Nag-post kasi ang aktres sa kanyang Instagram stories na “Ask Me Anything” para sa kanyang mga followers.
Ilan sa mga tanong ay sinagot ni KC sa pamamagitan ng video.
Isang netizen ang nagtanong ukol sa tila pagbabago ng kanyang mukha.
“Y nmn super pa alter ng face?” tanong ng netizen kay KC.
Paglilinaw ng dalaga, wala namang binaho sa kanyang mukha.
“Ano bang pinagsasabi ninyo guys, ha? Make-up lang yan. Just relax, okay? And be happy,” saad ni KC.
Isang netizen naman nag nagtanong kung totoo nga ba ang chikang buntis siya.
Baka Bet Mo: KC super excited na sa muling pagsasama nina Sharon at Gabby: ‘Fairytale come true pa rin naman, di ba?’
View this post on Instagram
Sagot ni KC, “Guys old news na yan. No, I’m not. I’ve never been. And I hope one day I will be and I will let you know.
Dagdag pa niya, “Tigilan niyo yan ha, paulit-ulit. Sa totoo lang.”
Hindi naman na bago kay KC ang matsismis na nagadalangtao.
Noong June 2014, may mga nang-intriga na rin sa kanya kung true nga bang preggy siya na mariin naman niyang itinanggi.
Hindi ito ang unang pagkakataong natsismis na buntis si KC.
“Once and for all: What is this rumor that I am ‘pregnant’??? I AM NOT PREGNANT. I have NEVER BEEN PREGNANT in my whole entire life,” sey ng panganay nina Sharon at Gabby.
Kahit noong 2019 ay muling natanong si KC kung buntis siya na itinanggi niya.
Sa kabila ng mga intriga ay super happy naman ang dalaga sa kanyang Filipino-Swiss businessman dyowa na si Michael Wuethrich.
Related Chika:
Sharon may inaming ‘biggest pain’ kay KC: We’re very opposite sa ugali, tapos pareho pa kaming bullheaded
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.