Napoles nahilo, nagsuka sa selda | Bandera

Napoles nahilo, nagsuka sa selda

John Roson, Lisa Soriano - October 25, 2013 - 03:58 PM

ISINUGOD sa ospital ang umano’y utak sa P10 bilyon pork barrel scam na si Janet Lim Napoles kahapon matapos mahilo at magsusuka sa kanyang selda.

Mula sa kanyang selda sa Fort Sto. Domingo, dinala ng mga police escort si Napoles sa Southern Luzon Hospital ng Sta. Rosa City ala-1:20, sabi ni PNP spokesman Senior Supt. Reuben Theodore Sindac.

Pinayagan ng doktor sa police camp ang “emergency medical evacuation” dahil sa sakit, pagkahilo, at tuluy-tuloy na pagsusuka ni Napoles, ani Sindac.

Lumabas naman aniya sa inisyal na pagsusuri ng ospital na ang dinanas ni Napoles ay dulot ng mga bato sa daanan ng ihi.
Matapos sumailalim sa pagsusuri at magamot, naibalik si Napoles sa kanyang selda sa Fort Sto. Domingo dakong alas- 3:30, ani Sindac.

Nakatakdang humarap si Napoles sa imbestigasyon ng Senado sa pork barrel scam sa Nob. 7.Nakaditine siya sa Fort Sto. Domingo para sa kasong serious illegal detention.

Huwag magsakit-sakitan—Chiz

Samantala, pinayuhan ni Senador Francis “Chiz” Escudero si Napoles na huwag magsakit-sakitan  dahil hindi makalulusot ang ganitong estilo sa Senado.

Ayon kay Escudero, hindi makapagsisinungaling si Napoles dahil sa bukod sa may nakatalagang doktor sa Senado, may mga titingin din na doktor sa ginang upang malaman kung maaari ba itong humarap sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee.

Magugunita na may ilang personalidad na ang humarap sa imbestigasyon ng Senado sa mga nakaraang kongreso na dumaan sa pagsusuri ng doktor bago isalang sa pagdinig.

May mga pagkakataon naman na ang Senate doctors mismo ang nagtutungo sa mga hindi nakakadalo sa imbestigasyon na nagsasabi na may karamdaman na sinuri kung totoo o nagsisinungaling lamang kung kaya hindi nakadalo ang mga ito.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending