Belle, Herlene, Melai, ilan pang socmed stars may pa-’fan meet’ sa first-ever pop-up store ng sikat na fashion online retailer

Belle, Herlene, Melai, ilan pang socmed stars may pa-’fan meet’ sa first-ever pop-up store ng sikat na fashion online retailer

PHOTO: Courtesy SHEIN

MAY bonggang fan meeting event ang mga sikat na artista na sina Belle Mariano, Melai Cantiveros at Herlene Budol!

‘Yan ay para sa first-ever offline pop-up event ng global e-retailer na Shein na mangyayari hanggang sa Linggo, October 29, sa TriNoma mall sa Quezon City.

Ang nasabing event ay kasabay ng kauna-unahang “SHEINfluencer Day” ng ating bansa, ang araw na inihandog upang ipagdiwang ang #SHEINfluencer community.

Maliban sa tatlong bigating artista, may tsansa ding ma-meet ng lucky shoppers ang ilan pang kilalang social media influencers kagaya nina Small Laude, Rana Harake, Viy Cortez, at marami pang iba.

Baka Bet Mo: Belle Mariano ibinandera ang mga pasabog na OOTD ngayong ‘summer season’

And wait, there’s more! Magkakaroon din kasi ng tinatawag na “Style Party” kung saan pwede ninyong ma-experience ang one-on-one styling session with crowd favorite influencers na sina Toni Sia, Killa Kush, Sofia Jahrling, Jeanette Ong, at Nicole Go. 

Para sa kaalaman ng marami, ito ang kauna-unahang pagkakataon na pwedeng mamili ng Shein products on the spot.

Aabot sa 7,000 na mga items mula sa pambabae, panlalaki at pambata na mga damit at accessories ang matatagpuan sa pop-up event.

PHOTO: Courtesy SHEIN

Ang launching nito ay pinangunahan mismo ni Belle, ang  first Pinay brand ambassador ng nasabing produkto.

Kung maaalala, nagkaroon pa nga siya ng launching event noong Pebrero kung saan ipinakita niya ang mga pasabog niyang OOTD noong summer season at tinawag niya pa itong “#SHEINxBelleMariano collection.”

Ayon sa Head of Marketing ng Shein Southeast Asia na si Vivian He, “We are thrilled to host our first-ever offline sales pop-up store in the Philippines to provide a more integrated and holistic shopping experience to our customers.”

“We hope that through this event, we will be able to make the beauty of fashion accessible to shoppers in the Philippines. We look forward to bringing shoppers more exciting campaigns and events, together with our SHEINfluencers,” dagdag pa niya.

Related Chika:

New York-based pop-up store naglunsad ng charity event sa Maynila, libo-libong residente may libreng ‘street foods’

Read more...