Andrea Brillantes may pa-bible verse sa kabila ng mga pahayag ni Ricci Rivero: ‘They delight in telling lies about me’

Andrea Brillantes may pa-bible verse sa kabila ng mga pahayag ni Ricci Rivero: 'They delight in telling lies about me'

MULI na namang laman ngayon ng mga balita ang dating magkarelasyon na sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero.

Muli na namang naging maingay ang pangalan ng dalawa matapos i-hard launch ni Ricci na dyowa na niya ang beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista.

Kasabay kasi ng pagbabandera ng basketbolista ng kanyang bagong karelasyon ay ang tila pagpapasaring pa rin nito sa dating dyowa kaya naman hindi rin napigilan ng mga tagasuporta ni Andrea ang rumesbak.

Maging ang isa sa mga bestfriend ng aktres na si Bea Borres ay naging laman ng mga balita matapos i-retweet ni Ricci ang isa sa kanyang tweet nito na “lol hanggang hard launch nag mamalinis lmfao no.”

Banat ni Ricci sa matalik na kaibigan ni Andrea, “puro tweet bea gusto mo maglabasan tayo ng labada? Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi ka lifeline para may bala ka bago ka mag reply publicly for your publicity. Sayang pakikiaalam mo kung di ka kasama sa headline.”

At kamakailan lang nang maglabas ng statement si Ricci dahil sa patuloy na negatibong komento na natatanggap niya mula sa madlang pipol.

Dito ay sinabi niyang pumupunta raw si Andrea sa kanyang condo tuwing madaling araw upang makipagbalikan.

“Pumupunta siya ng condo ko ng madaling araw ilang beses. For what? Para makipagbalikan. Nag-yes ba ako? Hindi!” lahad ni Ricci.

Baka Bet Mo: Ricci Rivero ‘nilaglag’ si Andrea Brillantes, pumupunta sa kanyang condo tuwing madaling araw para makipagbalikan

Banat pa niya kay Andrea at sa mga kaibigan nito, “Nanahimik ako sa detalye at tiniis lahat ang gawa-gawa nilang paninira d’yan sa mga laundry na ‘yan, sa mga gamit sa bahay para lang pagbigyan ang coping mechanism nila, pero sobra na.

“Wala naman nang mawawala sa akin, so bakit di ako magsasalita kung gusto pala nila ng detalye at hanggang ngayon hindi sila matigil sa kahibangan nila sa buhay ko.”

Wala pa namang pahayag si Andrea ukol sa mga pasabog ni Ricci sa kanyang mensahe kay DJ Jhaiho ngunit tila idinaan na lang nito sa bible verse ang isyu.

Aniya, “One of my favorite Bible verses, it has helped me a lot back then. Rereading it now to give me strength.”

Ang verse na ibinahagi ni Andrea ay mula sa Psalm 62.

“So many enemies against one man— all of them trying to kill me. To them I’m just a broken-down wall or a tottering fence. They plan to topple me from my high position. They delight in telling lies about me. They praise me to my face but curse me in their hearts,” ayon sa verse.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag o reaksyon ni Andrea ukol sa mga ibinahagi ni Ricci kay DJ Jhaiho.

Related Chika:
Para ba kay Andrea ang hugot ng tatay ni Ricci na, ‘Importante yung maayos na ugali at pagrespeto sa minamahal mo, hindi lang pakitang-tao’?

Nanay ni Ricci may patama sa toxic na relasyon: ‘Walang niloko at walang nanloko, hindi lang sila ang gustong magkatuluyan ng tadhana’

Read more...