Tropa ni Andrea Brillantes na si Bea Borres balak sampahan ng kaso si Ricci Rivero dahil sa isyu ng ‘kabit’?

TRUE nga kaya na planong idemanda ng kaibigan ni Andrea Brillantes na si Bea Borres ang aktor at basketball player na si Ricci Rivero?

Ito’y may kaugnayan pa rin sa naging post ni Ricci sa kanyang X account (dating Twitter) kamakailan laban kay Bea matapos siyang umamin sa tunay na relasyon nila ng dating beauty queen na si Leren Mae Bautista.

Nag-ugat ito sa cryptic post ni Bea sa kanyang X account na, “lol hanggang hard launch nag mamalinis lmfao no” na pinaniniwalaan ng marami na para raw kay Ricci after he admitted in public na dyowa na niya si Leren.

Walang binanggit na pangalan si Bea sa kanyang post pero super react nga rito ang ex ni Andrea at talagang sinagot at binanatan niya si Bea. Bwelta niya rito, “Puro tweet Bea gusto mo maglabasan tayo ng labada?

Baka Bet Mo: Andrea sumusumpa na hindi pinagsabay sina Seth at Ricci: Wala pa talaga akong planong mag-boyfriend ulit, pero…

“Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi ka lifeline para may bala ka bago ka mag reply publicly for your publicity.

“Sayang pakikiaalam mo kung di ka kasama sa headline,” ang matapang at naghahamong pahayag ng basketball player.

Sa isang episode ng online entertainment show na “Marites University” ng mga friends nating sina DJ Jhai Ho, Ambet Nabus, Jun Nardo at Rose Garcia, napag-usapan nga nila ang tungkol dito.

Sey ni Jhai Ho, nakikipag-usap na raw si Bea sa kanyang abogado para alamin kung ano ang pwede niyang gawin sa isyu nila ni Ricci.

“Ang kuwento sa akin ni Bea Borres, sabi niya, when I asked her kung ano ang masasabi niya regarding Ricci na ni-namedrop siya dahil sa post niya without naming names, sabi nito, sa ngayon daw, she’s now consulting her lawyer.

“Kasi puwede siyang magsampa ng case ng cyberlibel dahil siguro doon sa sinabing about pagiging kabit. At pinangalanan siya directly doon sa mismong tweet niya,” sey ng host.

Ngunit nilinaw ni Jhai Ho na wala pa si Bea sa proseso ng pagsasampa ng kaso. Kasalukuyan pa raw na nire-review ng abogado ng dalaga ang tweet ni Ricci.

“Sabi niya, ‘sa totoo lang naman petty lang naman ‘yung tweet and everything’. Pero kung magpapatuloy si Ricci na magganyan pa rin doon sa X, baka talagang ituloy na ni Bea ‘yung pagsasampa ng kaso sa kanya,” sey pa ni Jhai Ho.

Related Chika:

Read more...