Paglayas ni Liza Soberano sa talent management ni James Reid na Careless ‘fake news’

Paglayas ni Liza Soberano sa talent management ni James Reid na Careless ‘fake news’

PHOTO: Instagram/@lizasoberano

HAWAK pa rin ng talent management ni James Reid na Careless ang aktres na si Liza Soberano.

‘Yan ang paglilinaw na inihayag ng mismong talent company sa ABS-CBN News kaugnay sa kumakalat na tsismis na iniwan na sila ni Liza.

“Liza Soberano is still with Careless Music. No statement on the rumor. Thank you for clarifying,” sagot ng Careless sa isang text message.

Kamakailan lang, usap-usapan sa social media na ang tiyahin na raw umano ni Liza ang nagma-manage sa kanya.

Tinalakay din ito sa isang YouTube episode ng “Marites University” kung saan may nabanggit pa silang reliable source na nagchika sa kanila.

“Ayon po sa aking very reliable source, ang chika nga raw po ay wala na nga raw po itong si Liza under the management of Careless and also even kay James [Reid] wala na raw,” pagbubunyag ni DJ JhaiHo sa nasabing showbiz show.

Kwento pa niya, “Parang ang sabi, ‘Sa Careless, hindi na siya mina-manage, kung hindi Tita niya na ulit ang nagma-manage sa kanya’.”

Bala Bet Mo: Liza Soberano pinayuhang magpalit ng management, sey ni Direk Benedict Mique: You are being handled not only by careless but stupid people

Kung matatandaan, June 2022 nang lumipat si Liza sa pangangalaga ng Careless, ang record label at management agency ni James.

Kasunod niyan ay naging “talk of the town” ang inilabas na YouTube vlog ni Liza kung saan inihayag niya ang tungkol sa mga kaganapan sa kanyang buhay at bagong karera.

Isa sa mga nabanggit ng aktres ay ang naging transition niya sa talent management ni James.

Ayon kay Liza, sa dinamirami ng management companies na lumapit sa kanya, ang napusuan niya ay ang startup company ni James dahil ito lang daw ang nagbigay sa kanya ng kalayaan upang gawin ang kanyang gusto.

Aware daw si Liza na marami ang nagulat sa biglaan niyang pagpapalit ng hahawak sa kanya, pero ang hindi raw naiintindihan ng marami ay dito siya masaya at ito ang kauna-unahang pagkakataon na siya ay namili para sa kanyang sarili.

Marami na raw ang nangyari mula nang mapunta siya sa ilalim ng management ni James.

Isa na raw riyan ang pagpunta niya sa South Korea na kung saan ay nakilala niya sa personal ang ilang paborito niyang Korean stars, pati na rin ang pagsabak niya sa Hollywood film na “Lisa Frankenstein” na kung saan ay naging kaibigan pa niya ang bida ng pelikula na si Catherine Cole at ang direktor nito na si Zelda Williams.

Ang nabanggit na Hollywood film na tampok si Liza ay nakatakdang ipalabas sa darating na February 9, 2024 sa United States, habang wala pang anunsyo para sa premiere date pagdating sa Philippine theaters.

Ang “Lisa Frankenstein” ay umiikot sa isang teenager na ginagampanan ni Kathryn na umibig sa isang gwapong bangkay na gagampanan naman ni Cole.

Habang si Liza ay gaganap bilang “Taffy,” ang stepsister ni Kathryn.

Related Chika:

Read more...