MAY bagong reyna na ang The Miss Philippines Culture and Heritage Celebration!
Siya ay walang iba kundi si Alethea Ambrosio na pambato ng Bulacan.
Tinalo ni Alethea ang 20 iba pang naggagandahang mga dalaga mula sa iba’t-ibang sulok ng ating bansa, pati na rin ang mga kandidata ng Filipino communities ng United States.
Naganap ang kompetisyon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City noong October 24.
Baka Bet Mo: Michael V kinilalang ‘Pinoy Pop Culture Icon’ ng ToyCon PH
Ang nagpasa ng korona kay Alethea ay si Miss Supranational first runner-up Pauline Amelinckx.
Magugunitang si Pauline ang itinanghal na kauna-unahang titleholder ng The Miss Philippines kasabay ng kanyang homecoming matapos ang Miss Supranational pageant sa Poland noong Hulyo.
Si Alethea ang natatanging kandidata na sumagot ng full Tagalog sa question and answer portion ng kompetisyon.
Kasama niya sa final four sina Chantal Schmidt mula sa Cebu City, Isabelle Delos Santos ng Mandaluyong City, at Blessa Figueroa na pambato ng Filipino community ng Northern California.
Kasunod ng nabanggit na event ay ang counterpart nito na male competition na Male Pilipinas Worldwide kung saan ang nagwagi ay si Brandon Espiritu mula Guam.
Ang ilan pa niyang co-finalists ay sina Jordan San Juan from Bulacan, Dom Corilla mula California, Justin Ong na taga-Tacloban, Emerson Gomez ng Tarlac, at Anthony Cunningham na pambato ng United Kingdom.
Parehong sina Alethea at Brandon ay nakatanggap ng Wuling electric mini vehicles, at custom-made trophies exclusively designed by Jef Albea.
Ang mga hinirang na panalo ay nakatakdang ilaban sa prestihiyosong international competitions na nakatakdang i-anunsyo ng organizer na Empire Holdings Inc. sa susunod na taon.
Para sa kaalaman ng marami, ang newly-formed pageant na The Miss Philippines ay itinatag nina Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup at MUPH Creative and Events Director na si Jonas Gaffud.
Naunang nabanggit na ang mga mananalong reyna sa nabanggit na pageant ay ilalaban sa Miss Supranational at Miss Charm international pageants.
Related Chika: