Michael V kinilalang ‘Pinoy Pop Culture Icon’ ng ToyCon PH

Michael V kinilalang ‘Pinoy Pop Culture Icon’ ng ToyCon PH

Pauline del Rosario - July 10, 2023 - 11:47 AM

Michael V kinilalang ‘Pinoy Pop Culture Icon’ ng ToyCon PH

PHOTO: Instagram/@michaelbitoy

NABIGYAN ng parangal ang actor-comedian na si Michael V sa ika-20th edition ng pop culture convention na TOYCON PH.

Nakuha ni Bitoy ang “Pinoy Pop Culture Icon Award” na kumikilala sa mga personalidad na may impact pagdating sa pag-angat ng Filipino culture scene.

Napili ang komedyante dahil sa kanyang mga kontribusyon pagdating sa telebisyon, pelikula, musika, digital space at impluwensya sa ating mga kababayang Pilipino.

Sa isang panayam with GMA, sinabi ni Michael V. na ang kanyang natanggap ay isang bagay na importante sa kanya.

Baka Bet Mo: Si Michael V ba ang nagdedesisyon kung sinu-sino ang tsutsugihin at idadagdag sa ‘Bubble Gang’?

“The recognition is something that I will cherish for a long time kasi ito ‘yung personality ko eh,” sey niya.

Dagdag pa niya, “To be able to receive this award na parang embodiment ‘nung pagkatao ko, parang napaka-special para sa’kin.”

Bago si Bitoy, una nang nakakuha ng naturang award ang cosplayer na si Alodia Gosiengfiao, “Pugad Baboy” author na si Pol Medina Jr., ang lumikha ng karakter na Combatron na si Berlin H. Manalaysay, pati na rin ang yumaong Mars Ravelo na nagpakilala ng mga iconic Pinoy superheroes tulad ni Darna, Captain Barbell at Lastikman.

Bukod sa malawak na hanay ng mga laruan, komiks, at iba pang mga collectible, ang convention ay nag-oorganisa rin ng mga musical performance, panel discussion, meet-and-greets, at mga kompetisyon para sa mga cosplayer.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, ilang beses nang naging hurado ng cosplay competition ng naturang convention si Bitoy.

Ang komedyante ay kasalukuyang nagbibigay-boses sa octopus robot na “Octo-1” na tampok sa Kapuso series na “Voltes V: Legacy.”

Related Chika:

Joshua pinagkaguluhan nang umapir sa Toycon 2022; Jane mahina raw ang dating sa personal

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bianca Umali sa mga walang kwentang bashers: Hindi ko igaganti sa kanila kung ano ‘yung ginawa nila sa akin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending