Bet ng Peru na si Luciana Fuster waging Miss Grand International 2023, Pinoy fans proud pa rin kay Nikki de Moura kahit laglag agad sa Top 20

WINNER na winner ang bet ng Peru na si Luciana Fuster sa katatapos lang na Miss Grand International 2023 pageant kagabi.

Naganap ang grand coronation ng international pageant sa Phú Tho Indoor Stadium ng Ho Chi Minh City, Vietnam, nitong Miyerkules, October 25.

Siya ang pumalit sa trono ni Isabella Menin ng Brazil matapos talunin ang 69 iba pang kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang itinanghal namang First runner-up sa  11th edition ng Miss Grand Philippines ay si  Ni Ni Lin Eain ng Myanmar na siya ring nakapag-uwi ng mga special awards na Miss Popular at Country’s Power of the Year.

Second runner-up naman si María Alejandra López ng Colombia, third runner-up si Sthphanie Miranda ng USA, at si Lê Hoàng Phuong ng Vietnam ang 4th runner-up.

Baka Bet Mo: Dimples Romana sulit na sulit ang hirap at pagod sa pag-akyat ng Rainbow Mountains sa Peru kasama ang anak

Tatlong kandidata naman ang idineklarang 5th runners-up, yan ay sina Eugénia das Neves ng Angola, Skarxi Marte ng Dominican Republic, at Ritassya Wellgreat ng Indonesia.

Ang kinoronahang Miss Grand International 2023 na si Luciana ang ikalawang taga-Peru na nanalo sa naturant pageant. 

Sa naganap na 2017 edition ng Miss Grand International na idinaos din sa Vietnam, naiuwi ng kanyang kababayan na si si María José Lora ang titulo at korona.

Samantala, sa Top 20 pa lang ay hindi na nakapasok sa pambato ng Pilipinas na si Miss Grand Philippines 2023 Nikki de Moura kaya naman tinamad nang manood ang mga Pinoy pageant fans sa live streaming nito.

Ang early favorite naman sa pageant na si Miss Grand Russia Anastasiia Volkonskaia ang nakapag-uwi ng Best in Gown special award.

Related Chika:

Read more...