Miss Grand International 2023 Top 5 pinangalanan na!
MAS lalong tumitindi ang laban sa pagitan ng mga mga Miss Grand International candidates habang paunti nang paunti ang natitira para masungkit ang korona.
Narito ang mga naggagandahang kandidata na pasok sa Top 5 ng international beauty pageant:
Maria Alejandra Lopez, Columbia
Lee Hoang Phu’o’ng, Myanmar
Luciana Fuster, Peru
Ni Ni Lin Eain, Vietnam
Sthephanie Miranda, USA
Kasalukuyang ginaganap sa Miss Grand International 2023 grand coronation night sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Baka Bet Mo: Nikki de Moura bigong makapasok sa Top 20 ng Miss Grand International 2023
View this post on Instagram
Samantala, maaga namang natapos ang journey ng pambato ng Pilipinas na si Nikki de Moura matapos itong bigong makapasok sa Top 20 ng Miss Grand International 2023.
Sa mga hindi pa masyadong aware, sa 11 years ng naturang international beauty pageant ay wala pa ni isang Pinay candidate ang nakakapag-uwi ng mailap na titulo at korona.
Parehong naging 1st runner-up ng Miss Grand International ang mga Filipina beauty queen na sina Nicole Cordoves (2016) at Samantha Bernardo (2020).
Nananatili pa rin namang proud ang mga Pilipino kay Nikki sa kabila ng maaga nitong pagkakaligwak sa patimpalak.
Related Chika:
Nikki de Moura mula Cagayan de Oro City waging Miss Grand Philippines 2023
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.