Bea, Dominic plano sanang isikreto muna ang kanilang engagement: ‘Gusto naming may kinakikiligan na kaming dalawa lang’

Bea, Dominic plano sanang isikreto muna ang kanilang engagement: 'Gusto naming may kinakikiligan kami na kaming dalawa lang'

Bea Alonzo at Dominic Roque

WALA palang balak talaga sina Bea Alonzo at Dominic Roque na ibandera agad sa publiko ang kanilang madamdaming engagement.

Chika ng Kapuso actress, nais muna sana nila ng kanyang fiancé na namnamin ang isa sa pinakamahalagang eksena sa kanilang buhay as a couple.

Ngunit dahil kumalat na nga sa social media ang mga litrato sa pagpo-propose ni Dominic at napilitan na rin silang i-announce ito.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo may inamin, Vice Ganda isa sa mga naging daan para maging sila ni Dominic Roque

“Sa totoo lang dapat hindi talaga namin muna ia-announce. We wanted to savor it na kami muna, na kahit one month na kami lang ang nakakaalam.


“We wanted to keep it a secret na may kinakikiligan kami na kaming dalawa lang,” pagbabahagi ni Bea sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon.

Aniya pa, “But then may nag-leak kasi na photos from the venue. And so we had to release the pictures, we had to announce right away.

“Kasi parang unfair naman kung sa ibang tao manggagaling ang announcement, so naunahan na namin,” sabi pa ni Bea.

Baka Bet Mo: Bea love na love si Dominic: Sobrang inaalagaan niya ako, pinagsisilbihan, hindi nga ako sanay, e!

Paglalarawan pa ng Kapuso star sa relasyon nila ni Dom, “Para kaming nagliligawan ulit. Ganu’n pala ‘yun kapag may second phase, kapag may another chapter na nabubuksan, kilig na kilig kami sa isa’t isa.”

Kuwento pa ng dalaga, tuwang-tuwa rin daw ang mga kababayan natin sa Singapore nang mabalitaan ang kanilang engagement.

“Ang sweet kasi lahat ng mga Pilipinong nakakasalubong namin sa Singapore, sine-celebrate ‘Uy congratulations! Patingin ng ring.’ Ang cute na parang matagal na kaming magkakilala,” lahad ni Bea.

Ngayon daw ay “chill” na ulit ang samahan nila ni Dominic matapos ang pagbabakasyon nila sa Europe, “Mas real na, nag-aaway na kami ulit. Ha-hahaha! Yung small things lang naman. Nagkakainisan na kami ulit.”

Matatandaang nag-propose si Dominic kay Bea noong July sa Las Casas sa Bataan habang nagaganap ang pictorial ng aktres.

Read more...