Kabilang na nga riyan ang talent manager at content creator na si Ogie Diaz, na nagsabing hilaw pa ang akting ng singer sa “Linlang” pati na ng katambal nitong si Kice na naging contestant sa “Idol Philippines” season 2.
Ani Papa O, ang feeling niya hindi naman kailangan ang love story ng magka-loveteam bilang sublot ng “Linlang”. Dagdag pa niya, parang naka-botox daw ang mukha ni Anji kaya hindi makita ang kanyang facial lines (at expression). Si Kice naman ay parang kinakain ang mga dialogue.
“Episode 5 & 6 na, malakas na sana ang presence ni Anji, pero scripted pa din ang delivery ng lines, saka parang naka-botox ang mukha, kaya hindi makita ang facial lines. Si Kice, kinakain ang linya. Make this as your motivation, mga bagets, to be better next time (peace sign emoji),” sabi ng vlogger.
Paliwanag naman ni Anji, may mga naputol daw kasing mga eksena sa mga episode na ipinalalabas sa Prime Video, “Before that scene, may mga scene pa ‘yun na hindi (nasama) sa Prime kasi may limited din na time sa Prime,” ang paliwanag ng dalaga sa panayam ng “Teleradyo Serbisyo.”
Sa kabila ng panlalait sa akting niya, nanawagan pa rin siya sa kanyang fans na huwag nang makipag-away sa bashers at haters.
“I was there to call my Sunshines na huwag na nating patulan kasi at the end of the day, ‘di naman natin sila kilala. They are just there to judge us and all.
“Actually, ang gagaling ng bashers, na-connect nila ‘yung tweet ko sa sinabi ni Mama (Ogie). Wala naman akong sinabing ganoon kay Mama (Ogie),” aniya pa na ang tinutukoy ay ang sunud-sunod niyang post sa kanyang X (dating Twitter) account.
Sabi pa niya nang hingan na mensahe para sa mga bashers, “Ang hirap kasing mag-explain and I don’t wanna prove myself to anyone kasi at the end of the day, may mga tao na they believe what they believe in and we cannot change their minds in their close-minded.
“Just let them be, I don’t talk anymore. I just let them talk and talk and I’m just here gonna do my thing,” dugtong ni Anji.
Matatandaang nag-post nga ang singer-actress sa X ng kanyang saloobin tungkol sa pamba-bash sa akting niya sa “Linlang.”
Aniya, “All I could say is I don’t know these people and they’re not worth my precious time. So, please I know you’re concern I appreciate you all for standing up for me but then again, are they gold? No right? Let’s focus on our goals my loves. Who are they to begin with anyway?
“If you think you can hurt me, try a little harder, okay? mwahhh.
“Sunshines wag niyo nang pansinin ang mga palamuti ng story natin minsan magulo talaga sila,” sabi pa niya.