HINDI makapaniwala ang mga fans ng aktres na si Nadine Lustre matapos itong maligwak sa official list of film entries ang “Nokturno” para sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.
Matatandaang noong Martes ay inanunsyo ng Metro Manila Film Festival Selection Committee ang anim pang pelikula na pasok sa taunang film festival sa bansa.
Naging mahirap rin para sa naturang kumite ang pumili kaya imbes na apat lang dapat ay nauwi sila sa anim na entries kaya naman sampung official entries ang maglalaban sa MMFF 2023. Sa kabila nito ay hindi pa rin nakapasok ang “Nokturno” n Nadine.
Kaya naman marami sa mga tagasuporta ng aktres ang nadismaya sa naging anunsyo ng Metro Manila Film Festival committee.
“Nadine was robbed off from a possible back-to-back win,” saad ng isang netizen.
Comment pa ng isa, “Most Requested Horror Film ang Nokturno but still di nakapasok for MMFF 2023?! Disappointed & sad but still gonna watch it.”
Baka Bet Mo: Nadine Lustre ‘nag-aalangan’ pa sa titulong ‘Horror Queen’: I don’t want to be boxed…
“So weird snubbing nadine nokturno, when last year deleter is the best grossing film and gathered lots of award. idk what’s the concept this year,” sabi naman ng isa.
Hirit pa ng isang fan, “This is not acceptable!!! anong silbi ng mga votes and promotions namin kung na snubbed lang ng ganun mga gusto namin makapasok like #nokturno sana [emojis] ang unfairrr niyo lmaooo.”
Samantala, may mga fans ang nagpahayag ng suporta kay Nadine kahit na hindi pasok sa MMFF 2023 ang “Nokturno”.
“Now that its MMFF fate has been sealed (not selected to be on this year’s 10 films) when do we think we get to see NOKTURNO at the cinemas? This film is just too good to pass up on for a theater experience. Ready to be scared & shocked. Bring it on!” sey ng isang netizen.
Dagdag pa ng isa, “Susuportahan pa ren ang Nokturno kahit wala sa MMFF. Nadine Lustre yan e.”
Samantala, ang sampung pasok sa official list of film entries sa MMFF 2023 ay:
Pasok sa listahan ang mga sumusunod: “Becky and Badette”, “Broken Hearts Trip”, “Firefly”, “Gomburza”, “Mallari”, “When I Met You In Tokyo”, “Family of Two (A Mother and Son’s Story)”, “K(Ampon)”, “Penduko”, at “Rewind”.
Related Chika:
Nadine Lustre mas na-inspire mag-work dahil sa ‘Joker’ ni Joaquin Phoenix, excited nang makatrabaho si Bea Binene
Nadine Lustre natatakot bang makipagbakbakan kina Marian, Sharon, Vilma at Nora sa MMFF 2023?