Makasaysayan ang eleksyong ito dahil sa kauna-unahang pagkakaton, bawal na ang mga “political dynasties” na kandidato sa barangay. Ito’y dahil sa Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015 na nagsasabing ang mga kandidato ay di dapat kamag-anak sa second degree of consanguinity o affinity sa mga incumbent elected national official, o sa incumbent elected regional provincial, city, municipal o baranggay official sa kanyang lugar.
Dahil dito, dalawang kandidato sa Bgy. Magtangale, Sana Fransisco, Surigao del Norte at Baranggay Malag-it Calinog Iloilo ang parehong na-disqualify ng Comelec dahil meron silang mga kamag-anak na “incumbent” sa kani-kanilang barangay.
Ang pagbabawal sa “political dynasties” ay nasa 1987 Constitution; Article 2, section 26- “the state shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may be defined by law”. Pero, walang inaprubahang batas sa nakalipas na 36 na taon ang nakaraan at kasalukuyang Kongreso upang ipagbawal ang “political dynasties” sa halalang nasyonal at lokal. Ang Korte Suprema naman ay nag-opinyon na wala silang “judicial control” sa Kongreso dahil ito’y alinsunod sa prayoridad ng mga mambabatas doon kung aaksyunan ang political dynasty” o hindi.
Hindi sila kumilos at pati batas sa SK ay nadribol nang na-dribol. Ang halalan na dapat sanang gaganapin noong October 2016, na-postpone sa October 2017, tapos postpone uli sa Mayo 2018, June 2020 at June 2022, hanggang sa matuloy na ngayong October 30,2023. Maraming dahilan ang sinabi pero, maliwanag na ayaw ng maraming pulitiko na maipatupad ng “political dynasty ban” sa barangay at SK elections. Takot silang mawala ang “kamag-anak incorporated” sa kanilang mga bayan at lalawigan dahil sila mismo ay “dynasty”. Isipin niyo pagbabawalan nang kumandidato ang kanilang mga anak, asawa o pinsan sa mga halalan.
Pero, ngayon tayo’y nasa 19th Congress, wala na silang nagawa kundi hayaang matuloy ang 2023 Baranggay-SK elections na bawal na ang “kamag-anak incorporated”. At ngayon nga sa kauna-unahang pagkakataon, tayong mga botante na ang magdedesisyon kung papayagan nating umiral ang “patronage politics” o mga kandidatong hawak ng mga pulitiko, mga tuta ni Mayor, Congressman, Governor at iba pa.
Sana, merong lumitaw na mga bagoong lider sa mga barangay at Sangguniang Kabataan, mga matitino at tunay na po-protekta sa kanilang mga nasasakupan. Masama ang naunang reputasyon ng nakaraang SK, at naging training ground ng “corruption” at kakuntsaba para mangurakot ng pera at magpayaman. Sana naman, may lumitaw na mga bagong lider na tatayo sa tamang prinsipyo at kapakanan ng nakararami, magbabantay laban sa katiwalian at seryosong tutulong para sa progreso ng bayan.
Sa totoo lang, maraming dekada nang naghari ang mga “political dynasties” sa lahat ng sulok ng ating bansa. Angkop lamang na ang mga malalaking pagbabago ay manggaling sa ibaba, sa barangay, kung saan naroon talaga ang kapangyarihan ng mamamayan. Isipin ninyo, meron tayong 42,000 baranggays ngayon sa buong bansa. Sa panahong gising ang taumbayan sa modernong kamulatan, ang pagbabantay sa mabuti o masamang pamamahala ng mga halal na opisyal ay magagawa na natin. Magsisimula ang pagbura ng “kamag-anak incorporated” sa halalan sa Lunes, Oktubre 30. Panahon na rin upang lakasan ang pag-iingay at tuluyan nang mawala ang mga “political dynasty” sa “national and local elections”.
Nakakahiya mang sabihin, nagiging Negosyo na ng malalaking pamilya sa pulitika ang kaban ng bayan at siyempre, pinaka-agrabyado dito tayong mga mamamayan. Tayo na gustong pumili ng iba pero, namamaniobra ng mga pulitikong iyan at mga kamaganak o kakampi nilang nagiging “unopposed” tuwing eleksyon. Parang sinasampal tayo na sa kanilang mga distrito, lungsod o lalawigan, walang gustong lumaban sa kanila, dahil sila lang ang anak ng Diyos.
Panahon na talaga para kumilos tayo laban sa political dynasty!
Pondo ng LGU’s sa buong bansa, bumabaha; serbisyo damihan sana
Talagang bumabaha, bumubukal ngayon ang pondo ng mga local government unit (LGU) sa buong bansa, ayon sa 2022 Commission on Audit (COA) report. Lahat ay merong double digit increase sa revenue collection. Ano po ang ibig sabihin nito sa atin? Maliwanag pa sa sikat ng araw na indikasyon ito ng bumubuting “economic conditions” sa ating bansa. At sana hindi mapunta sa wala ang salaping ito at maibulsa lamang ng mga corrupt na mayor, governor at iba pa.
Ang mga “cities” ay nagtala ng kabuuang P429 bilyong revenue collection mataas ng 17.85 percent sa 2021 collection na P339 bilyon. Ang mga “provinces” ay kumulekta naman ng P271-B nitong 2022, tumaas ng 31.85 percent sa 2021 collection nilang P187.85 bilyon. Samantalang pati mga “municipalities” ay nagkaroon ng P271.9 bilyong revenue collection nitong 2022, mas mataas ng 31.85 percent sa record nilang P187.75 bilyon noong 2021.
Quezon City ang pinakamayaman na ang asset ay P443.4 bilyon, sinundan ng Makati, P239.4 bilyon, Manila P77.5 bilyon, Pasig P52 bilyon at Taguig P40.8 bilyon. Doon naman sa mga provinces, Cebu ang pinakamayaman P235 bilyon, sumunod ang Rizal P35.5 bilyon, Batangas -P31.9 bilyon, Davao de Oro P23.1 bilyon at Ilocos Sur P21.5 bilyon. Sa mga municipalities, pinakamayaman ang Carmona, Cavite P6.5 bilyon sumunod ang Limay, Bataan P5.71 bilyon, Silang, Cavite P4.4 bilyon, Caluya AntiqueP3.82 bilyon at Cabugao, Ilocos Sur P3.8 bilyon.
Kung tutuusin napakalaking pera ito na dapat bantayan kung paano at makatarungan bang nagastos. Sa akin, ang batayan ko ay ang mga LGU na binigyan ng “unqualified opinion” o “unmodified opinion” ng Commission on Audit (COA). Ibig sabihin, pumasa sila matapos ang “extensive examination and investigation” sa paggastos ng kanilang “public funds”. Sa totoo lang, kapag nakakakita ako ng mga bayang may COA unqualified opinion, sumasaludo tayo, Gov, city mayor man o municipal mayor.
Kasama dito sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, ilang ulit at taun-taon ang parangal dito ng COA. Ganoon din kay Makati Mayor Abby Binay, Navotas Mayor John Rey Tiangco, Mandaluyong Mayor Ben abalos Sr., Pasig Mayor Vico Sotto, Quezon Governor Helen Tan, Roxas City mayor Ronnie Dadivas.
Patuloy tayong magbantay, at wag tayong mapikon!