6th The EDDYS awards night ng SPEEd hindi tuloy sa Oct. 22, ililipat ng petsa, venue | Bandera

6th The EDDYS awards night ng SPEEd hindi tuloy sa Oct. 22, ililipat ng petsa, venue

Ervin Santiago - October 18, 2023 - 06:41 PM

 6th The EDDYS awards night ng SPEEd hindi tuloy sa Oct. 22, ililipat ng petsa, venue

IPINAAALAM ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na ang nakatakdang 6th The EDDYS o Entertainment Editors Choice sa darating na Oktubre 22 ay hindi muna matutuloy.

Nagdesisyon ang mga opisyal at miyembro ng SPEEd na i-postpone ang pagsasagawa ng ikaanim na edisyon ng The EDDYS na gaganapin sana sa EVM Convention Center sa Quezon City.

Ayon sa presidente ng samahan ng mga entertainment editors sa bansa na si Eugene Asis, kinailangang kanselahin pansamantala ang awards night ng The EDDYS na naka-schedule sa October 22 dahil sa ilang hindi inaasahang pangyayari na rin hindi kontrolado ng organizer at producer.

Baka Bet Mo: Piolo Pascual eeksena bilang host sa 6th The EDDYS ng SPEEd, gagawaran din ng Isah V. Red Award

Dahil dito, minabuting ilipat ng petsa at venue ang Gabi ng Parangal. Agad na maglalabas ng mga kaukulang detalye ang pamunuan ng SPEEd at ang Airtime Marketing Philippines na pag-aari ni Tessie Celestino-Howard, ang producer ng 6th The EDDYS sa oras na maisaayos ang lahat.

Lubos na humihingi ng paumanhin ang organizer at producer ng naturang event sa mga nominees, at ng iba pang involved sa produksyon at sa publikong naghihintay nito taun-taon.

Related Chika:
Ice Seguerra, Jona, Zephanie, Regine Tolentino may mga pasabog sa 5th EDDYS ng SPEEd

4th EDDYS mapapanood sa FDCP channel; Angel Locsin, Kim Chiu, Rhea Tan pararangalan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending