Hugot ni Bong Revilla: ‘Yung mga taong nagkasala sa akin pinatawad ko na silang lahat’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Lani Mercado, Pangulong Bongbong Marcos at Bong Revilla
WALA nang nararamdamang galit ang actor-public servant na si Sen. Bong Revilla sa lahat ng mga taong nanglaglag at nagkasala sa kanya.
Mas pinagtutuunan daw ng pansin ngayon ang mga positibong bagay at patuloy na iniiwasan ang mga kanegahan na wala namang maidudulot na maganda sa kanyang buhay at career.
Sa pakikipagchikahan ni Sen. Bong at ng kanyang misis na si Cong. Lani Mercado sa talent manager at content creator na si Ogie Diaz, maraming naging rebelasyon ang celebrity couple.
Sa isang bahagi ng vlog ni Papa O, natanong ang mag-asawa ay kung paano nila hina-handle ang kanilang mga bashers at haters.
Ang mabilis na tugon ni Sen. Bong, tingnan na lang daw ng mga ito ang kanyang track record bilang public servant. Hangga’t maaari raw ay ayaw na niyang patulan ang kanyang mga detractors.
Ang sey naman ni Cong. Lani, “Tayo naman, I go for constructive criticism. Kung mayroong pagpuna, gusto ko ‘yun. Kasi it’s room for improvement for me.”