SA pagpapatuloy ng panayam ni KC Concepcion sa “Iskovery Night” YouTube channel ni Isko Moreno ay natanong ng host, “Where do you see yourself 10 years from now?”
Diretsong sagot ng dalaga, “Sana may family na ako, sana gusto ko ng complete family, gusto ko ng happy marriage, happy children, healthy children.
“Gusto ko maging close kami ng family ko at ng magiging family ko gusto ko lang masaya lahat and foundation na ako by then na talagang working,” aniya.
Ang foundation na gustong magkaroon ni KC ay may kinalaman sa National Ambassador Against Hunger of the United Nations’ World Food Programme.
Isa rin ito sa dahilan kung bakit naglilibot ang dalaga sa iba’t ibang bansa ay para magbigay tulong sa mga batang nangangailangan bukod sa kanyang jewelry business.
Baka Bet Mo: KC Concepcion umaming ‘kerengkeng’ sa socmed, tinawag na ‘batang kalye ng Paris’: Gusto ko ring mag-Divisoria, pero…’
“Hayan napakinggan n’yo 10 years from now. That’s good news that you see yourself in this situation,” tugon ni Yorme kay KC.
“Sana po especially ‘yung mga pinagdaanan natin nu’ng 2020,” saad ni KC.
Tinanong ni Yorme kung anong tipo ng lalaki ang hinahanap ng singer-host-actress.
Natawa muna siya, “May sagot po ako, alam ko na ‘yung ayoko (sa lalaki). Alam ko na ‘yung non-negotiable ko (muwestra ng pag-ayaw sa kamay).
“Ayaw ko ng sinisigawan ako, ayaw ko ng parang mape-pressure ka parang sakal ka (controlling sabi ni yorme), ayaw ko ng ganu’n based on the past. So, mas alam ko ang mga ayaw ko kaysa sa gusto ko,” paliwanag ng dalaga.
“What I like is somebody na good vibes, gusto ko ‘yung natatawa ako not comedian naman na parang joker o clown. Gusto ko ‘yung of course matalino, of course, ‘yung kaya niya ang sarili niya.
“Somehow may career siya (maabilidad sabi ni Yorme), because ganu’n din po ako. Gusto ko ‘yung may disiplina, may trabaho, may ina-achieve everyday and of course happy connection namin, ‘yung pag nakita mo ‘yung phone mo na siya (tumawag o nag-text), mag-i-smile ka. Ang gusto ko lagi akong naka-smile, marunong sa romance pero responsible rin sa buhay sa values,” litanya ni KC.
Hirit naman ni Yorme, “Marami kang makikitang ganu’n kasi ako for example, I always follow two rules in happy marriage.”
Sumaya ang mukha ni KC sabay sabing, “Okay I wanna learn.”
“First rule, wife is always right, it maybe a joke but with all honestly there’s a semblance truth on it in practice. Second rule, if you think your wife is wrong, refer to rule number one.
“Wife is always right and you know why, kasi gusto ko ‘yung sinabi mo na you want to always smile, parang ‘ay iniintindi ako neto’ kasi alam mo namang mali ka, eh, but the guy would have his space, more space in understanding you na ‘sige na nga ikaw na ang panalo sa conversation na ito,'” paliwanag ng dating ama ng Lungsod ng Maynila.
“Oo, confident siya sa sarili niya, secure siya at mahal niya ‘yung babae (kaya) anong point para awayin ko?” say ni KC.
Hirit ni Yorme, “Kasi you end up going to bed together, tapos magpapalitan kayo ng unan, tapos gagawa kayo ng 1950’s na pelikula no talkies, end up kakain kayo together no talkies kaya why complicate things?”
Natatawa naman si KC habang nagkukuwento si Yorme, “Kaya nga ‘yan gusto kong matutunan bago ako magpakasal, may mga fear ako na ayaw kong mag-fail ito kaya nga I’m learning from you kaya lang unang-una sa lahat confident ‘yung lalaki sa sarili niya.”
At dahil dito ay nagsabi ang dalaga na gusto niyang matuto pa sa point of view ni Yorme Isko bilang lalaki.
“Kasi you know naman ‘yung ability, capabilities then the least thing that you can do is to understand. Sige baka may ma-share pa ako more than two decades na akong sakal (kasal),” tumawang sabi ng host sabay sabing, “Sige anong gusto mong tanong?”
“Bilang lalaki paano kayo dumating sa point na secure kayo sa sarili ninyo and alam n’yo na ready na kayo to take of a woman. Paano ba nagiging confident ang mga lalaki sa sarili niya from a man point of view?” tanong ng dalaga.
Economic ang sabi ni Yorme, “Kung kaya mong pakainin ang sarili mo, ready ka na bang magpakain ng ibang bibig? Kasi laging isyu ‘yan. May kinikita ka, ‘yung sapat is relative depende sa standard of living, way of living because there’s always cost of living.
“Ngayon mamimili ka lang naman ng standard, eh. Marriage costs money, family costs money kaya laging puro dulo ang away, then ‘yung pagtatalo nagiging inis, ‘yung inis nagiging hate na, ‘yung hate nagiging ayaw ko na sa ‘yo, do’n magiging snowball,” sabi pa ni Yorme.
At ang number 2, “Tingin ko ‘yung understanding work both ways pero kung sino ‘yung willing magparaya that’s another thing.”
Balik-tanong ni KC, “Dapat ba babae o lalaki ang nagpaparaya?”
“Ako I would say it works both, minsan magpatalo ka naman (sa guy) para (okay kayo),” nakangiting sagot ni Yorme.
“Ah, para kiligin ako, puwede pala ‘yun as basis. Dami ko natutunan,” sambit ng dalaga.
“Ang babae puwede ring magparaya,” sabi ni Yorme.
Pagkatapos ng economic ay atensyon naman ang binanggit ni Yorme, “Dapat you have to give ample time (sa asawa) katulad naghahanap-buhay kayo pareho, pareho kayong busy maano ba namang (tawagan), ‘hello mommy ano gagawin mo mamaya? Treat kita. Really ikaw ‘yung gagastos? O, shocked ako. Uy baligtad ‘yung asawa ko iti-treat ako,” pa-sample ni Yorme.
“Pag tayo bilang babae nga pala ang nag-offer na magbayad (sobrang saya raw ng guy) totoo pala talaga. Hindi ‘yung puro paganda lang nang paganda at pa-sexy lang, manglibre rin kayo (girls) sometimes,” masayang sabi ng dalaga.
Ang ganda ng naging takbo ng usapan nina Yorme at KC at inamin ng huli na napakarami niyang natutunan at ia-apply niya ito.
Hoping naman si Yorme Isko na matupad ng dalaga ang mga pangarap niya in the next 10 years kapag nagkaroon na ito ng sariling pamilya na deserve niya.
Related Chika: