BONGGA ang latest issue ng Pinoy pop kings na SB19 at ng binansagang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez!
Sila kasi ang napili upang bumandera sa kauna-unahang cover ng music magazine na Billboard Philippines na inilabas noong October 15.
Makikita sa Instagram account ng music platform na astig ang vibe ng five-piece act sa magazine cover.
Tila twinning pa ang suot nilang damit na may pa-turtleneck collars pa na gawa ni Avel Bacudio, tinernohan din nila ‘yan ng black trousers at black gloves.
Ang litrato ay kuha ng photographer na si Borgy Angeles, habang ang nagsilbing hairstylist ay si Mark Familiara, ang makeup artist ay si Mac Igarta at ang fashion stylists ay sina Em Millan at Rain Dagala.
“Never stagnant and always evolving, introducing the debut cover stars of Billboard Philippines — the Kings of P-pop, SB19,” caption sa post.
Wika pa, “Pablo, Josh, Stell, Ken, and Justin expand on their journey from aspiring artists to beloved pop stars, the future of Filipino music, and their unwavering connection with their fans, A’TIN.”
Baka Bet Mo: SB19 bumuo ng sariling talent agency, willing mag-train ng new talents: ‘May minamata na kami in the future…’
Bukod diyan, nagkaroon din ng individual photoshoot ang mga miyembro ng SB19 kung saan ito ay magsisilbing cover collection ng Billboard Philippines.
“To further celebrate Billboard Philippines’ arrival, we’re releasing exclusive individual covers of @officialsb19’s Pablo, Josh, Stell, Ken, and Justin,” saad sa IG.
Extraordinary naman ang kinalabasan ng look ni Regine sa kanyang black top na may shoulder pads at itim na pencil skirt na disenyo rin ni Avel.
“Rediscover OPM. Influence that knows no bounds. Artistry that sees no end. This is Asia’s Songbird, Regine Velasquez-Alcasid,” lahad sa IG ng music magazine.
Ani pa, “Velasquez-Alcasid’s storied career is inspiring to many, shaping the careers and sounds of some of the Philippines’ top artists today. In her exclusive cover story with Billboard Philippines, the icon [shares] how she remains unequivocally timeless.”
Magugunitang gumawa ng kasaysayan ang SB19 nang ibinalita nila sa madlang pipol na “approved entry” ang kanilang hit song na “Gento” sa 66th Grammy Awards.
Hangarin ng grupo na magkaroon ng nominasyon para sa Best Pop Duo/Group Performance category.
Ang official list of nominees ay iaanunsyo sa November 10, habang nakatakda namang ganapin sa February 4 sa susunod na taon ang 66th Grammy Awards.
Samantala, si Regine ang isa sa most influential figures pagdating sa OPM at local pop culture.
Ilan lamang sa mga hit songs niya ay ang “Dadalhin,” “Narito Ako,” “Araw Gabi,” “Tuwing Umuulan,” “Hanggang Ngayon,” at marami pang iba.
Related Chika:
Sarah Geronimo ‘honored’ sa pagkakaroon ng billboard sa Times Square, New York