Pokwang excited nang matapos ang ipinatatayong bahay: Konting labada na lang! Woohooo!

Pokwang excited nang matapos ang ipinatatayong bahay: Konting labada na lang! Woohooo!
PHOTO: Instagram/@itspokwang27

MAY bagong update ang comedienne-actress na si Pokwang patungkol sa ipinapatayong dream house.

Ayon sa kanyang Instagram post, malapit na itong matapos!

Caption niya sa IG, “konti nalang po talaga [folded hands, red heart emojis] konting labada nalang woohooo”

Aniya pa, “Tumatanggap po ako lalo na magpapasko hahahahhaa thank you papa God #toGodbetheglory #buhaysinglemom”

Baka Bet Mo: Pokwang nainsulto daw sa bagong babaeng nilalandi ni Lee O’Brian, hirit ni Ogie Diaz: Baka feeling niya ‘sana mas maganda-ganda naman sa akin’

Maraming netizens ang napahanga nanaman ng celebrity mom at may nagkomento pa nga na nagsabing hindi na kailangan ni Pokwang ng asawa upang magtagumpay sa buhay.

“Galing naman Pokwang ‘di kailangan ng asawa para mag succeed kudos [red heart, clapping hands emojis],” saad ng isang netizen.

Sagot naman sa kanya ng komedyana, “Ay totoo yan ako pa nga ang kinailangan niya para matupad ‘yung buhay na gusto niya dito sa Pinas yung buhay expat na binatang binata hahahhaa”

Narito ang ilan pang sentimyento ng ilang netizens na nabasa namin sa comment section:

“Gusto ko itong bagong bahay ni Mamang fresh na fresh parang ang gaan at sarap sa pakiramdam. Sana makalipat na kayo bago mag new year. Happy for you and your children.”

“Happy life and no stress Mamang, happy for you [red heart emoji].”

“You deserve everything you have accomplished in life mamang. God bless you more.”

“Mamang abangan namin ang house tour po ninyo if natapos na siya…. sipag at tiyaga lang talaga…[clapping hands, red heart emojis]”

Kamakailan lang, ibinunyag ni Pokwang na ibinenta na niya ang lahat ng properties na may bakas ng alaala ng kanyang estranged husband na si Lee O’Brian.

Isa na riyan ay ‘yung dati niyang bahay at beach house na nasa Bataan.

Ayon sa kanya, isa ito sa mga hakbang niya upang tuluyan nang makapag-move on mula sa masalimuot na mga karanasan kasama si Lee.

Kung matatandaan, isa sa mga rason kaya hiniwalayan at pinalayas ng aktres ang dating partner ay dahil anim na taon na itong naging palamunin at walang ibinibigay na child support para sa anak nila.

Nauna na ring kumpirmahin ni Pokwang na inaayos na niya ang mga legal na dokumento para mapa-deport sa Pilipinas si Lee, at para na rin matanggal ang apelyido ni Malia na “O’Brian” at gawin nang “Subong.”

Related Chika:

Alex Gonzaga ibinandera ang ipinapatayong bahay: Mga 100 tumbling na lang!

Andrew Schimmer ginagamit ng mga scammer para makapanloko: Parang awa n’yo na, konting kunsensiya naman po…

Read more...