Heart ayaw tantanan ng mga sindikato sa socmed, patuloy na sinasabotahe ang mga content: ‘Dirty tactics!’

SINO nga kaya ang mga taong nasa likod ng mga black propaganda laban sa Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista?

Naniniwala si Heart na patuloy na gumagawa ng paraan ang kanyang detractors para sa tinatawag na “shadow ban” na isang uri ng pag-atake sa mga tulad niyang product endorser at social media influencer.

Hindi naman tinutukoy o pinapangalanan ng wifey ni Sen. Chiz Escudero kung sino ang pinaghihinalaan niyang nasa likod ng pangsa-shadow ban sa kanyang mga contents.

“Stolen contacts, black propaganda, hiring a 3rd party to shadow ban my contents in the end will not matter because I don’t do this for fame,” ang bahagi ng cryptic post ni Heart kamakailan.

“I will keep doing this till I’m old and gray, even if no one is looking,” ang mariin pa niyang sabi.

Baka Bet Mo: Geraldine Roman ikinumpara kay Heart Evangelista: ‘Grabe, I’m touched! Kulang na lang talaga sa buhay ko ay keso’

Isang netizen din ang sinagot ni Heart ma nagtanong kung naka-shadow ban pa rin ang ilan sa content niya, “Naka-shadow banned pa rin? Di sya lumalabas sa feeds ko na.”

Tugon sa kanya ng Kapuso actress, “Yup they are trying again. I am being spammed by so many accounts that don’t follow so IG will shadow ban. Dirty tactics.

“I celebrate everyone to do what they love but I will not agree to this.

“To pull others down so you get a head start. To steal people’s contacts that they worked on for years. Very bad,” pahayag pa ni Heart na ang tinutukoy nga ay ang pananabotahe sa kanya.

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang “shadow ban” ay isang proseso kung saan maaaring itago ng gumagawa nito ang ilang contents sa account ng isang sikat na personalidad nang hindi sila sinasabihan.

Ang ibig sabihin, pwede pa ring mag-post sa kanilang accounts ang nabiktima ng shadow ban pero hindi ito nakikita o napapanood ng maraming tao.

Ang ending, nababawasan ang views, likes at shares ng kanilang content kaya apektado rin ang kanilang kinikita at maaaring makaapekto rin sa pagkuha sa kanila bilang influencer at product endorser.

Related Chika:

Read more...