Roi Vinzon, Lala at Antonio Vinzon
HINDI pala pinanonood ng actress-singer na si Lala Vinzon at ng kapatid niyang si Antonio ang mga pelikula noon ng tatay nilang si Roi Vinzon.
Rebelasyon ng magkapatid, nahe-hurt daw kasi sila kapag napapanood nilang sinasaktan o pinapatay ang karakter ng kanilang ama sa mga past movies nito.
“Noong six-years-old po ako naaalala ko napanood ko siya sa TV for the first time. Sabi ko, ‘Oh, nandito si Papa pero bakit siya laging pinapatay?” ang chika ni Lala sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Thursday.
“Kontrabida po kasi lagi siya. So ever since ayoko nang nanonood ng movies niya. Kasi nga kontrabida laging namamatay sa pelikula,” sey pa ng dalaga.
Baka Bet Mo: Kim pinalayas ng kapatid sa bahay: Sabi niya, ‘Bahala ka na, malaki ka na!’ Parang eksena sa teleserye!
Pero habang lumalaki at nagkakaisip siya ay unti-unti naman daw niyang naiintindihan ang trabaho ng kanyang ama hanggang sa mamulat na nga siya sa mundo ng showbiz.
Ipinagtanggol din niya ang ama sa mga taong nag-iisip na kontrabida rin sa tunay na buhay si Roi Vinzon nanl napaka-effective naman talagang kontrabida kaya kinatatakutan kahit sa likod ng mga camera.
“Ever since po talaga may misconception kasi ‘yung intimidation ng mga tao sa kaniya, masyadong malakas, masyadong matapang,” sabi ng Kapuso star.
Aniya pa, “Pero ang hindi alam ng nakararami, si papa po talaga ang under sa aming lahat.
Baka Bet Mo: Mikael gusto uling makatrabaho sina Bitoy, Paolo at Antonio: Pero sana sa drama para maiba!
“Hanggang ngayon dinidisiplina niya po kami pero open din siya sa ideas namin, nakikinig din siya at open siya sa ideas ng mga kabataan, si Mama. Kasi very adjustable person siya,” chika pa ni Lala.
Samantala, saludo naman si Antonio sa style ng pagdidisiplina ni Roi sa kanilang magkakapatid. Talaga raw isinasapuso nila ang mga payo ng ama sa kanila.
“Dinidisiplina po kami kung paano maging mabuting tao kasi ayaw niyang maligaw ‘yung path namin. Salita lang talaga. Stronger po ‘yung salita,” sabi ng Kapuso youngstar.