Carren Eistrup, Calista at iba pang talents ng Merlion Entertainment
ANG bongga ng naganap na trade launch ng Merlion Entertainment last Thursday, October 12, kung saan ipinakilala ang kanilang mga pambatong talents.
May 20 artists na ang naturang talent management na isa-isang rumampa sa harap ng entertainment media at content creators sa naganap na trade launch sa Podium Hall, Ortigas.
Matagal-tagal na rin sa industriya ang Merlion Entertainment pero ngayon lang sila nagkaroon ng bonggang formal launching as talent management.
Bukod sa sikat na ngayong all-female group na Calista na gumagawa na ng sarili nilang pangalan sa music industry, isa-isa ring ipinakilala sa press ang iba pang Merlion talents.
Kabilang sa kanilang pambatong artists ay si Carren Eistrup na regular na napapanood sa noontime show ng iconic trio na TVJ, ang “E.A.T.” na napapanood sa TV5.
Baka Bet Mo: Andrea Brillantes sa pagiging pinakabatang celebrity CEO: Dream ko talaga ang magka-business
Nag-perform din siya sa naganap na trade launch kung saan kinanta niya ang classic OPM hit na “Kapag Tumibok Ang Puso” ni Donna Cruz.
Nalaman din namin na hindi naman pala totoong binili ng “E.A.T.” o ng TVJ Productions ang kontrata nito sa “Eat Bulaga”. Itinuloy lang daw ng “E.A.T.” ang contract nito sa TAPE Inc..
Ang ilan pa sa ipinakilala sa trade launch ay si Binibining International 2022 Nicole Borromeo, singer-songwriter Tera, “Sing E.A.T.” finalist na si Luna at ang Calista na binubuo nina Olive, Anne, Elle, Daine and Denise na mas nakilala nga sa hot songs nilang “Race Car” at “Don’t Have Time.”
Rumampa rin sa nabanggit na Merlion trade launch Caitlyn Stave, Nicol de Guzman, Monique Vazquez, Kayelah Gomez, Chef Miguel David, Jimsen Jison,Jean Drilon, Dana Alexa, Angelgrace America, Laiza Comia at Jessica Dungo.
Ilan sa kanila ang nagpakitang-gilas sa event na talagang pinalakpakan ng mga imbitadong press people.
Founded by CEO Gener Dungo, idinidiin nilang ang kanilang mga artist ay testament to the company’s commitment to nurturing and showcasing diverse talents umpisa nang itatag ito noong 2018.
Baka Bet Mo: Hirit ni Ogie kay Willie: Parang hindi siya marunong tumanggap ng negativity o constructive criticism
Bukod sa talent management, ang Merlion ay isang events and production company rin. Sila ang humawak sa 2019 Miss Teen Philippines na ginanap noon sa New Frontier.
Ang Merlion din ang nag-produce ng comedy show na “Tols” starring Betong Sumaya, Rufa Mae Quinto ay ang member ng Calista na si Olive. Napanood ito sa GTV Channel ng GMA 7.
“This is just the beginning of Merlion Entertainment,” ang pahayag ni Mr. Dungo.
“Our friends from the media, thank you for coming here. The advertising and marketing community, and the various brands who came here tonight, thank you.
“Our vision is to develop and manage new talents, we went all around the country and brought them here. We are game changers which is why we produce shows, digital content, even do music production.
“When we did that our vision has expanded, and now we are working with the best in the industry. We are excited to work with you, thank you for your support, we hope all our creative pursuits become part of your campaigns.
“Thank you to all our artists, their parents who entrusted us with their career. Thank you and welcome to Merlion Entertainment!” ang mensahe pa ni Mr. Dungo.