Luis ayaw nang balikan si Jennylyn: Malabo na talaga! | Bandera

Luis ayaw nang balikan si Jennylyn: Malabo na talaga!

Ervin Santiago - October 25, 2013 - 03:00 AM

LUIS MANZANO AT JENNYLYN MERCADO

BURADO na ang lahat ng pictures ni Luis Manzano sa Instagram account ni Jennylyn Mercado. Marahil, isa ito sa paraan ng Kapuso actress para mas madaling makalimutan ang break-up nila ng binata ni Gov. Vilma Santos.

Hanggang ngayon ay ayaw pang magsalita ni Jen tungkol sa pagkasira ng relasyon nila ni Luis, pero sa kanyang Instagram, may mensaheng inilagay kahapon ang aktres na may kinalaman sa paghihiwalay ng dalawang taong nagmamahalan.

Sey ni Jen, “When people walk away, let them. Your future is not about people who walk away, it’s about the people who stay in it for the ride.” Kung iintindihin nating mabuti ang mensahe, mukhang totoo nga ang chika na si Luis ang nakipaghiwalay.

Ayon nga sa manager ni Jen na si Becky Aguila, mas apektado raw si Jen sa break-up nila ni Luis, pero naniniwala siya na makakaya ng aktres ang panibagong pagsubok na ito sa kanyang buhay. At agree kami diyan. Sa dami ng pinagdaanan ni Jen, ngayon pa siya susuko?

Anyway, sa Instagram account naman ni Luis, makikita pa rin ang mga litrato ng mga kamay nila ni Jennylyn, kung saan ipinapakita ang suot nilang mga relos. At pareho na ring nag-unfollow ang dating magdyow sa isa’t isa.

May mga nababasa kami sa mga social media na nagkokomento tungkol sa paghihiwalay ng dalawa, at mas marami ang naniniwala na hindi na nakatagal si Luis sa kakaibang ugali ni Jen, bukod daw sa pagiging selosa at dudera nito, dakdakera rin daw ito kaa narindi na si Luis. No, wala naman daw sakit sa utak ang aktres, mukhang marami lang daw gumugulo sa kanyang isip na nauuwi sa pag-iisip ng kung anu-ano.

Samantala, nakausap naman ng ilang press sa isang showbiz event si Luis at kinumpirma na nga nito ang break-up, anang binata, “Life is too short to be sad. You only get a one shot in life.”

“Why get sad or depressed? Make the most out of every single day. Well, I guess I could understand din naman na maraming nagmahal sa relationship namin, maraming sumuporta. Pero things happen for a reason. We just have to part ways,” sey ni Luis.
Pero may chance pa bang magkabalikan sila? “As of now, medyo malabo-labo na talaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending