7 tattoo ni Heaven may bonggang hugot: ‘Hindi ko kailangang humingi ng pagmamahal sa iba para malaman ko na lovable ako’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Heaven Peralejo
LAHAT ng tattoo sa katawan ng award-winning actress na si Heaven Peralejo ay may ibig sabihin na nagsisilbi ring inspirasyon sa paglaban niya sa buhay.
Pito ang lahat ng tattoo ni Heaven na matatagpuan sa magkabila niyang braso – yan ay ang dalawang ibon na lumilipad, puso, buwan, arrow, lotus, ang salitang surrender at morse code.
“I have seven tattoos.Yung heart, to always keep myself whole. Na hindi ko kailangan humingi ng pagmamahal sa iba para malaman ko na lovable ako.
“It’s more of accepting myself and it’s more about loving myself like through all the flaws and the traumas,” simulang pagbabahagi ng aktres nang tanungin sa kanyang solo presscon sa Viva Artists Agency, kung may ibig sabihin ba ang kanyang mga tattoo.
Patuloy pa niya, “Yung moon, nakakatuwa nga. I got this before Luna.” Na ang tinutukoy ay ang kanyang karakter sa Viva One Original series na “The Rain In España” kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Marco Gallo.
“I think I was in Boracay, it was one of my darkest times. May time na sobrang dark na ng buhay ko.
“Yung surrender, I got it in Bali ‘coz I found out, I was listening to this podcast about just surrendering in life. Mas nakaka-lessen yon ng anxiousness, ng stress, and yes, I am surrendering,” aniya pa.
Tungkol naman sa tattoo niyang “swallow bird” dalawang ibon, sumisimbolo raw ito sa pagmamahal niya sa kanyang nanay.
Actually, ipinagawa ito ni Heaven sa Korea at natutuwa siya dahil pumayag din ang nanay niya na magpa-tattoo rin para twinning sila.
“It symbolizes a lot for us especially our love for traveling, there were a lot of times when we were lost commuting but we didn’t care because we knew that as long as we’re together we can face it with a brave heart similar to how we face our daily battles in our lives.
“I’m just so proud that I can have a mom and best friend in one!! I love you,” ang explanation ni Heaven sa isa niyang Instagram post.
Samantala, fresh na fresh mula sa tagumpay ng kanyang Viva One series na “The Rain in España”, na umere rin sa TV5, abot-langit din ang pasasalamat niya sa mga recognition na natatanggap mula sa local at international award-giving bodies.
Sa kanyang paparating na birthday ngayong Nobyembre, maraming dapat ipagpasalamat ang dalaga.
Nakakuha siya ng mga nominasyon para sa pagka-Best Actress sa “Nanahimik ang Gabi” mula sa 22nd Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal at para sa Best Actress sa “Bagong Umaga” mula sa 35th PMPC Star Awards for TV.
Pero ang kanyang pagkapanalo sa Film Academy of the Philippines 39th Luna Awards para sa Best Actress sa “Nanahimik ang Gabi” ang nagmarka sa kakayahan ni Heaven sa pag-arte. Ang Luna Awards ay ang kinokonsiderang bersyon ng Oscars sa Pilipinas.
Pati mga international award-giving bodies ay napapansin na rin ang galing ni Heaven. Ang kanyang latest na pagkapanalo sa Asian Academy Creative Awards bilang Best Actress in a Leading Role National Winner for the Philippines para sa “Nanahimik ang Gabi” ay tunay na nagbibigay karangalan para sa lahat ng Pilipino.
Ang Asian Academy Creative Awards ay ang pinaka-prestihiyosong award para sa galing at malikhaing husay sa Asia Pacific.
Sa darating na Disyembre lahat ng mga National Winners, kasama si Heaven, ay pupunta sa Singapore para sa Grand Awards at Gala, kung saan makakasama ni Heaven ang iba pang mga National Winners mula sa parehong kategorya galing sa Australia, China, Hong Kong, India, Indonesia, Japan, South Korea, Malaysia, Myanmar, Singapore, Taiwan, Thailand, at Pilipinas.
Ang pagkapanalo ni Heaven bilang National Winner ay isa nang malaking karangalan para sa bansa, baon niya ang suporta ng kanyang Viva family para makamit ang pagkapanalo sa Grand Awards.
Sa mga susunod na buwan dapat pakaabangan ng fans ang pagbabalik ni Heaven sa pangalawang season ng University Series, ang follow-up sa “The Rain in España”, ang “Safe Skies, Archer.” Parte rin si Heaven sa upcoming Philippine adaptation ng hit South Korean movie na “Sunny.”