Ken Chan 'halimaw' sa aktingan; viewers apektado sa bawat pasabog ng 'Ang Dalawang Ikaw' | Bandera

Ken Chan ‘halimaw’ sa aktingan; viewers apektado sa bawat pasabog ng ‘Ang Dalawang Ikaw’

Ervin Santiago |August 25,2021
facebook
share this

Ken Chan ‘halimaw’ sa aktingan; viewers apektado sa bawat pasabog ng ‘Ang Dalawang Ikaw’

Ervin Santiago - August 25, 2021 - 09:07 AM

Rita Daniela at Ken Chan

MULING nakatanggap ng magaganda at positibong comments ang Kapuso loveteam na sina Ken Chan at Rita Daniela dahil sa matitinding eksena nila sa afternoon series na “Ang Dalawang Ikaw.”

Napapanood namin ang teleserye ng RitKen at in fairness naman talaga sa dalawang Kapuso stars, deserving sila sa mga bonggang feedbacks mula sa mga televiewers.

Gamay na gamay na talaga ng magka-loveteam ang isa’t isa dahil makatotohanan at natural na natural ang bawat eksena nila sa “Ang Dalawang Ikaw.”

Tulad na lang kahapon, nakakaloka ang mga confrontation scenes nina Tyler (o Nelson na parehong ginagampanan ni Ken) at Mia (Rita) lalo na nang magwala na naman ang una at nagpapalit-palit muli ng personalidad.

In fairness, nag-shine na naman nang bonggang-bongga si Ken sa mga pasabog na eksenang yun, kabilang na ang pambubugbog niya kay Rita. Sabi nga namin, halimaw na talaga ang binata pagdating sa aktingan.

Nakakaloka, dahil nakakatakot naman talaga ang itsura ni Ken habang galit na galit kay Mia na parang any moment ay mapapatay siya ng asawa.

Sabi nga ng ilang kakilala naming sumusubaybay din sa “ADI” kung sila raw si Mia, matagal na nilang nilayasan si Tyler dahil feeling nila bawat oras ay nasa panganib ang buhay nila.

May mga nagkomento naman na tulad ni Mia, ipaglalaban din nila hanggang ending ang pagmamahal nila sa kanilang asawa sa kabila ng mental condition nito. 

Hindi raw nila basta iiwan ang kanilang husband para lang mapunta sa kabit nitong si Beatrice (Anna Vicente). Gagawin din daw nila ang lahat para maging maayos muli relasyon nila.

Sa huling eksena kahapon ng “Ang Dalawang Ikaw”, balak nang iwan ni Mia si Nelson dahil sa patuloy na pagsulpot ng katauhan ni Tyler pero maririnig niyang nagsasalita ang asawa habang natutulog.

Ano nga kaya ang magiging final answer ni Mia sa tagpong ito — tuluyan na kaya niyang iwan si Nelson o patuloy siyang magpapakamartir at hintayin ang pagbabalik ng dating Nelson para sa inaasam na happy ending?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yan ang dapat n’yong tutukan sa pagpapatuloy at sa nalalapit na pagwawakas ng “Ang Dalawang Ikaw” sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng “Nagbabagang Luha.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending