Glaiza De Castro, mister na si David Rainey nagdiriwang ng wedding anniversary: ‘Can’t believe it’s been 2 years!’

Glaiza De Castro, mister na si David Rainey nagdiriwang ng wedding anniversary: ‘Can’t believe it’s been 2 years!’
PHOTO: Instagram/@glaizaredux

TILA hindi makapaniwala ang Kapuso actress na si Glaiza De Castro na dalawang taon na ang nakalipas mula nang ikinasal siya sa Irish husband na si David Rainey.

Sa isang Instagram post, ibinandera ni Glaiza ang ilang throwback pictures nsang ikinasal siya sa Northern Ireland.

Caption pa niya, “Can’t believe it’s been 2 years since I said yes on a windy clifftop in Ireland [happy face emoji].”

“Well, I still do [smiling face with hearts emoji],” dagdag pa niya sa post.

Baka Bet Mo: Magulang ni Glaiza hindi boto noon kay David Rainey: Parang nag-worry sila sa akin kasi…

Bumati naman sa kanila ang libo-libong netizens at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Happy 2nd Wedding Anniversary Raineys [heart emojis] Keep the love growing & glowing [emojis] Love u both [smiling face with heart-eyes emoji].”

“Happy 2nd Anniversary to the beautiful couple! [white heart emoji]”

“Happy Anniversary to you and David on choosing forever!”

“Sana magka-baby na kayo para mas masaya ang buhay mag-asawa, God bless!”

Matatandaang taong 2021 nang unang nagpakasal sina Glaiza at David sa Northern Ireland.

Hindi nakadalo ang pamilya ng aktres doon kaya talagang nagplano ang couple na magkaroon ng isa pang wedding dito sa Pilipinas.

Star-studded ang second wedding ng couple na naganap sa Sundowners Beach Villas sa Botolan, Zambales noong January 23.

Kabilang sa mga nagsilbing ninong at ninang sa kasal ay ang TV host na si Willie Revillame at ang GMA executive na si Annette Gozon-Valdes.

Naroon din si Angelica Panganiban na naging Maid of Honor, at sina Alessandra de Rossi, Isabel Oli-Prats, Chynna Ortaleza, Rochelle Pangilinan at Sheena Halili na nagsilbing bridesmaids.

Present din ang asawa ni Chynna na si Kean Cipriano, Maxene Magalona, pati na ang mga kasamahan ni Glaiza sa “Running Man PH” na sina Ruru Madrid kasama ang dyowang si Bianca Umali, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Mikael Daez, Angel Guardian at Buboy Villar.

Umattend din si Gabby Eigenmann with his wife na si Apples Arizabal-Eigemann, Ketchup Eusebio, at marami pang iba.

Taong 2018 nang unang nagkakilala ang dalawa sa Siargao at noong 2020 naman nang mag-propose si David kay Glaiza.

Related Chika:

Glaiza umamin: Mahal talaga yung relationship namin ni David dahil…

Angelica, Glaiza wish na makapag-bonding pa rin nang bonggang-bongga kahit may sarili nang pamilya

Read more...