Kim Chiu palipat-lipat ng bahay noong bata, ginawang sandata ang ‘sana’ para magsumikap sa buhay
MULING binalikan ng Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu ang kanyang buhay noong hindi pa niya pinapasok ang mundo ng showbiz.
Sa episode ng Kapamilya noontime program na “It’s Showtime” sa segment ng “Mini Miss U” noong Sabado, October 7, naibahagi niya na noong bata pa siya ay pangarap niya ring maging artista.
Ani Kim, wala silang permanenteng bahay noong bata pa siya at naranasan nitong wala silang pagkain kaya madalas siyang nagdarasal.
Nasabi ito ng “Linlang” lead star matapos maibahagi ng Mini Miss U contestant na si Olivian Namocco ang pagnanais nitong maging sikat na artista para magkaroon ng magandang buhay at sariling bahay dahil palipat-lipat sila ng tirahan.
Mukha namang naka-relate si Kim sa “sana” ng bata kaya napa-throwback ito sa mga pinagdaanan noong bata pa siya.
Dito ay nabanggit niya ang pagkakahalintulad ng karanasan nila ni Olivian.
View this post on Instagram
“Gusto niya maging artista. Alam mo, share ko lang sa ‘yo, ganyan din ‘yung pangarap ko dati noong bata ako kasi palipat-lipat din kami ng bahay. Pero lagi ako nagpe-pray,” pagbabahagi ni Kim na mukhang paiyak na habang nagbabaliktanaw sa nakaraan.
Dagdag pa niya, “Lagi ako nagpe-pray tapos wala din kaming food. Magkakapatid kami pero magkakahiwalay. Pero hinawakan ko yung ‘sana’ ko sa buhay. Gusto ko ganoon ka rin.”
Matapos nito ay tuluyan na ngang naiyak si Kim.
Aniya, lahat ng “sana” o mga pangarap sa buhay ay magkakatotoo basts pagsisikapan itong maabot.
Ngayon nga ay natupad ni Kim ang kanyang pangarap at isa na siya sa mga tinitingalang artista sa Philippine showbiz.
Nagawa na rin nitong matupad ang mga hiling noon gaya ng makabili ng mga pagkain, sariling bahay, at makatulong sa mga kapatid na maiahon rin ang mga ito sa hirap.
Related Chika:
Xian Lim kay Kim Chiu: No one knows more about our relationship than you and I
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.