SINUNOG agad ng Kapamilya actress na si Shaina Magdayao ang mga naglalabasang chika na nagdadalang-tao daw siya ngayon.
May mga tsismis kasi na buntis daw ang sisteraka ni Vina Morales at itinatago lang daw ito ng aktres sa publiko habang naghihintay ng tamang panahon para ibandera ito sa madlang pipol.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories, pinabulaanan ni Shaina na may sanggol na sa kanyang sinapupunan. Aniya, sakaling mabubuntis man siya ay hinding-hindi niya ito ililihim.
Isang video ang in-upload ng aktres sa IG kung saan makikitang umiinom siya ng isang beer in can. Ito’y para patunayan sa kanyang mga kaibigan at social media followers na walang baby sa tummy niya.
“So… Been getting messages from family and friends for days now about some FAKE news that’s going around back home! My goodness, I am not pregnant, people,” ang pahayag ni Shaina.
Mariin pang sinabi ng dalaga na wala naman daw siyang nakikitang masama sakaling mabuntis at magkaanak siya ngayon dahil nasa tamang edad na naman daw siya.
Baka Bet Mo: Shaina malaki ang tiwala kay Coco, secret manager daw niya: ‘Alam kong hindi naman niya po ako ipapahamak’
“Will never deny if I were since I’m already of age noh! But nope, I ain’t preggers! Cheers from Busan,” paliwanag pa ng aktres.
Nasa South Korea ngayon si Shaina para sa 28th Busan International Film Festival para sa pelikula niyang “Essential Truths of the Lake.”
“It’s my very first time here at [the] Busan Film Festival so I am very honored to be part of the 28th (International Film Fest).
“We’re very grateful for the international film festivals and the support of our international viewers for allowing us to have a voice,” ang mensahe ni Shaina.
Ang “Essential Truths of the Lake” ay mula sa direksyon ni Lav Diaz kung saan kasama rin ni Shaina si John Lloyd Cruz, na nagwaging Best Actor sa Boccalino d’Oro prize.
Related Chika:
Shaina Magdayao umamin na kung bakit biglang nawala sa ‘ASAP’: Pataba na ako nang pataba, hindi ko na ma-control
Shaina Magdayao napurnada ang pagbabakasyon sa ‘paraiso’, kailangang magtrabaho kahit birthday