K-drama fans napa-sana all kay Jessica Soho nang ma-meet ang mga Korean superstar; Ruru suportado ng mga bigating action stars

K-drama fans napa-sana all kay Jessica Soho nang ma-meet ang mga Korean superstar; Ruru suportado ng mga bigating action stars

Ruru Madrid, Ryu Seung Ryong at Jessica Soho

TALAGANG nag-enjoy ang “Black Rider” lead stars na sina Ruru Madrid at Yassi Pressman sa pagbisita nila sa bagong studio set ng “Unang Hirit” nitong Lunes, October 9.

World-class ang bagong tahanan ng “UH” na may 360-degree rotating platform, LED video walls, at interactive monitor. Ang Emmy-award winner at US-based company na FX Design Group lang naman ang nag-design nito.

Naki-TikTok pa sa set sina Ruru at Yassi kasama sina Morning Oppa Kaloy Tingcungco at Morning Sunshine Shaira Diaz.


Hindi na nga siguro sila makapaghintay na mapanood si Ruru sa pagbabalik niya sa primetime via “Black Rider.”

Trailer at BTS pa lang, makikita mo nang maaksyon talaga ang bagong serye ni Ruru. Mga bigating action stars din mula sa iba’t ibang henerasyon ang makakasama niya rito.

Excited na rin sigurado ang fans ni Yassi na mapanood siya sa isang action series sa Kapuso Network.

Baka Bet Mo: Karen Davila saludo kay Jessica Soho: Mas mahirap pong magpatakbo ng Pilipinas kaysa humarap sa mamamahayag…

Star-studded talaga ang serye na bukod kina Kylie Padilla, Matteo Guidicelli at Katrina Halili ay makakasama rin sina Jon Lucas, Rainier Castillo,  Zoren Legaspi, Gladys Reyes, Empoy, Jayson Gainza, Janus del Prado, Isko Moreno, Joaquin Domagoso, at marami pang iba.

* * *

Lumipad ang “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa South Korea para umattend sa Asia Contents Awards and Global OTT Awards sa Busan nitong Linggo at dito nga na-meet ni “KMJS” host Jessica Soho ang ilan sa mga sikat ngayong K-drama stars.

Ang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ay nominado sa Best Reality and Variety category para sa “Sugat ng Pangungulila.” “KMJS” ang nag-iisang Filipino program na nominated sa nasabing category at lumaban sa six entries mula Korea at Vietnam.

Baka Bet Mo: Cristy tinawag na ‘damage control’ ang interview ni Kylie; naawa kay Jessica Soho

Dito nakilala ni Jessica sina Lim Ji Yeon, na nagwaging Best Supporting Actress sa Netflix series na “The Glory” pati na sina “Moving” stars Ryu Seung Ryong at Lee Jung Ha, na nagwaging Best Lead Actor at Best Newcomer Actor.

May picture rin sa red carpet si Jessica kasama ang Best Lead Actress Karishma Tanna mula sa series na “Scoop” at ang kapwa Pinoy na si Arjo Atayde na nominated naman as Best Lead Actor.

Sa dami na ng award na napanalunan ng “KMJS” at ni Jessica sa iba’t ibang bansa, patuloy pa rin ang blessings na natatanggap ng show at ng Kapuso broadcast journalist.

Read more...