Sandara Park sa tanong kung pwedeng maging KPop star si Bayani Agbayani: Puwede kahit hindi gwapo

Sandara Park sa tanong kung pwedeng maging KPop star si Bayani Agbayani: Puwede kahit hindi gwapo
LAUGHTRIP ang naging hirit ng Korean superstar na si Sandara Park ukol sa komedyanteng si Bayani Agbayani.

Noong October 7, Sabado, nag-guest ang miyembro ng Korean girl group na 2NE1 sa “I Can See Your Voice” hosted by Luis Manzano kung saan masaya siyang nakigulo at hinulaan kung sino ang tunay na SEE-nger.

Pagpasok pa lang ni Sandara ay talagang pinagkaguluhan na siya ng mga SING-vestigators na sina Lassy, MC, Angeline Quinto, Bayani Agbayani, at Donita Nose.

Aliw talaga ang naging episode dahil game na game at havey rin ang mga sagutan ng tinaguriang “Pambansang Krung Krung ng Pilipinas” sa bawat tanong ni Luis.

Habang sinisiyasat ni Sandara ang dalawang SEEcret songers ay nabanggit niya na tila nasa ASAP siya habang nagpapasiklaban ang dalawa dahil sa kilig na dala ng dalawa.

“Sa kanilang dalawa, feeling ko nasa ASAP ako. Kinilig ako, parang nanonood ako sa DonBelle… Ang gaganda ng boses nila so hindi ko alam kung totoong boses ba nila o hindi,” sey ng Star Circle Quest alumna.

Baka Bet Mo: Sandara Park namangha, napatanong kung bakit hindi pa rin limot ng mga Pinoy

At habang nagbibigay opinyon nga ang mga SING-vestigators ay natanong ni Luis si Sandara kung pasok ba si Bayani na maging KPop star.

“Ito Sandy, tanong ko sa ‘yo. Kung saka-sakali ba, si Kuya Bayani pwedeng maging KPop star sa Korea?” tanong ni Luis kay Sandara.

Makikita naman na nagbago ang reaksyon ng mukha ni Bayani at nagsingkit-singkitan ito para maging katulad ng mga kilalang oppa na napapapanood sa mga K-Drama.

“Puwede siya sa mga movies kasi sa mga K-Drama gusto nila ‘yung mga gwapo,” prangkang sagot ni Sandara.

Pagpapatuloy pa niya, “Sa movie, pwede kahit hindi gwapo.”

Agad namang nawala ang singkit-singkitan ni Bayani matapos marinig ang sinabi ni Sandara.

“Sa movie raw pwede kahit hindi gwapo. Sa TV kasi kailangan gwapo,” natatawang ulit ni MC Muah.

Sey pa ni Sandara, “Meron siyang sariling charm, kakaibang charm.”

Giit pa ni Luis, “Pinaganda lang niya. Sabi niya, wala kang itsura pero may charm ka.”

Agad namang sinang-ayunan ng ibang SING-vestigators ang sinabi ni Sandara.

“Tama. Tama,” sabi ng mga ito habang pumapalakpak.

Related Chika:
Lolit Solis todo puri kay Sandara Park: Para siyang tunay na Filipino kung magsalita at kumilos

Bayani Agbayani matinding challenge din ang dinanas sa buhay: ‘Mas mahirap pa kami sa daga kasi wala kaming bahay’

Read more...