Alden nagkagusto kay Pia pero hindi nanligaw, umaming na-fall din kay Maine: ‘Hypocrite po ako ‘pag sinabi kong hindi, I did confess’

Alden nagkagusto kay Pia pero hindi nanligaw, umaming na-fall din kay Maine: 'Hypocrite po ako 'pag sinabi kong hindi, I did confess'

Maine Mendoza, Alden Richards at Pia Wurtzbach

DIRETSAHANG inamin ni Alden Richards on national TV na nagkagusto siya kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at sa dating ka-loveteam na si Maine Mendoza.

Yan ang bonggang rebelasyon ng Asia’s Multimedia Star sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa “Fast Talk” episode kahapon.

Ayon kay Alden, “from afar” ang pagtingin niya noon kay Pia at never niyang nasabi sa actress-beauty queen ang kanyang feelings.

“Sa ‘Eat Bulaga,’ best friends sila ni Pauleen Luna eh, so every now and then, si Pia would go there to say hi to Pauleen,” pahayag ni Alden.

“Nakikita ko siya na hindi naka-glam, ‘yung puso niya mabuti, and then after she won (sa Miss Universe pageant) parang grabe!” dugtong na pahayag ni Alden.

Baka Bet Mo: Nadine kering-kering umariba nang walang ka-loveteam: It’s nice to do projects without relying on a regular partner

Papuri pa niya kay Pia, kahit na napakarami na niyang achievements sa personal niyang buhay at showbiz career ay nananatili pa rin itong humble at marespeto.

“I can attest that she has remained the same,” sey pa ni Alden.

Samantala, matapang ding inamin ng Kapuso matinee idol at award-winning actor, na na-fall din siya noon sa kanyang ka-loveteam na si Maine.

Tinanong siya ng King of Talk kung nagkagusto ba siya kay Maine noong kasagsagan ng kanilang AlDub loveteam.

“Yes, hypocrite po ako kung hindi. Ayoko pong sabihing alam niya but I did confess,” pag-amin ng binata.

Muli, nabanggit ng aktor na super grateful and thankful siya kay Maine pati na sa “Eat Bulaga” dahil sa mga blessings at swerteng dumating sa buhay niya.

“Ang daming opportunities na dumating sa buhay ko because of it (AlDub). I’m very grateful to Maine,” sey ng aktor.

Tungkol naman sa pagkabuwag ng AlDub, parang “break-up” na rin daw ito para sa kanya pero nilinaw naman niya agad na hindi lahat ng break-up ay masama at masakit.

Kailangan lang daw talaga ni Maine ng growth at mag-move forward.

Faith da Silva inaming nagkagusto kay Albert Martinez: ‘Mabait siya and he’s sweet kaya lang…’

Donny inisa-isa ang mga nagustuhan sa ka-loveteam: Belle and I are in a happy place right now

Read more...