Mga ibang kahulugan ng SWAT | Bandera

Mga ibang kahulugan ng SWAT

- August 27, 2010 - 10:21 AM

Target ni Tulfo by Mon Tulfo

TAMPULAN
ng katatawanan ang mga pulis-Maynila na sumali sa rescue operation ng mga hostages sa Luneta na naging madugo.
Hindi lang tayo ang nagtatawa sa ating kapulisan, ang lahat ng mundo ay humahalakhak sa kapalpakan ng mga pulis.
Sa mga text messages at sa Internet, ang mga sumusunod ang mga biro na kumakalat:
Ang Manila Police District (MPD) daw ay tinagurian noon na “Manila ’s Finest.” Pero ngayon iba na ang tawag sa kanila: “Philippines’ Worst.”
Iba’t ibang kahulugan ng SWAT o Special Weapons and Tactics na nagsagawa ng palpak na rescue operation:
–Sugod, Wait, Atras, Takbo.
–Samahang Walang Alam sa Taktika.
— Sana Wag Akong Tamaan.
–Sobra Wala Akong Training.
–Sorry We Aren’t Trained.
Ang mga pulis daw ay magaling lang sa HOSTESS-TAKING at hindi sa hostage-taking, in apparent reference to some policemen who raid bars at pinipilit na makipagtalik sa kanila.
Bakit daw walang mga equipment ang SWAT nang sinugod nila ang bus kung saan naka-hostage ang mga Hong Kong nationals? Saan daw dinala ang pera para sa rescue equipment?
Eh, di ibinili ng euro para gamitin ng mga police generals at kanilang mga asawa na pang-shopping sana sa Europe pero nasakote sa Russia .
* * *
Sumobra ang media sa pag-cover ng Luneta hostage-taking incident.
Dapat ay hindi nila ipinalabas sa TV news ang pag-aresto sa kapatid ng hostage taker na si dating Senior Insp. Rolando Mendoza.
At saka dapat ay sumusunod ang mga mamamahayag sa kautusan ng pulisya na manatili sa isang lugar at upang di makaistorbo sa mga ginagawa ng pulis.
Maraming hostage incidents akong kinober noong martial law at maganda ang kinalabasan ng mga insidente dahil sumunod kami sa kautusan ng kapulisan (Wala rin kaming magawa noon dahil martial law nga).
Dapat ay nakikipagtulungan ang media sa kapulisan sa mga hostage-taking at kidnapping incidents.
Ang nangyaring pamamaril ni Mendoza sa kanyang mga hostages ay dahil nakita niya sa TV monitor sa loob na bus ang ginagawang pag-aresto sa kanyang kapatid.
Siyanga pala, bakit inaresto ang kapatid ni Mendoza na si SP04 Gregorio?
Ano nga ba ang kanyang kasalanan?
Kasalanan ba niya na ang kapatid niya ay nang-hostage?
* * *
Kung nangyari ang kapalpakan ng mga pulis sa Japan, tiyak na maraming police officials ang nag-suicide sa kahihiyan.
Pero sa atin, ang mabababang ranggo ng pulis na nagsagawa ng rescue operations ang na-relieve.
Tingnan mo na lang ang kagaguhan ng mga nasa itaas ng PNP!
Saan ang mga matataas na opisyal ng PNP, gaya ni PNP chief Jesus Verzosa noong mga critical moments?
Nagkakamot sila ng kanilang mga yagbols sa kani-kanilang mga opisina.

Bandera, Philippine news at opinion, 082710

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending