Donny natutong sumakay ng jeep dahil sa 'Can't Buy Me Love'; Belle kinarir ang pag-aaral ng Hokkien at Chinese culture | Bandera

Donny natutong sumakay ng jeep dahil sa ‘Can’t Buy Me Love’; Belle kinarir ang pag-aaral ng Hokkien at Chinese culture

Ervin Santiago |October 08,2023
facebook
share this

Donny natutong sumakay ng jeep dahil sa ‘Can’t Buy Me Love’; Belle kinarir ang pag-aaral ng Hokkien at Chinese culture

Ervin Santiago - October 08, 2023 - 06:35 AM

Donny natutong sumakay ng jeep dahil sa 'Can't Buy Me Love'; Belle kinarir ang pag-aaral ng Hokkien at Chinese culture

Donny Pangilinan at Belle Mariano

MEDYO nahirapan ang Kapamilya actor na si Donny Pangilinan na gampanan ang karakter niya sa pinakabagong serye nila ni Belle Mariano sa ABS-CBN, ang “Can’t Buy Me Love.”

Mismong ang direktor nilang si Mae Cruz-Alviar ang nagsabi na “the struggle is real” para kay Donny sa pagganap bilang isang binatang ginagawa ang lahat para mairaos ang pang-araw-araw nilang buhay.

Sa kuwento ng unang collaboration project ng ABS-CBN at Netflix, gaganap si Donny bilang si Bingo, isang sikat na online seller na rumaraket din ng iba’t ibang trabaho.

Pambubuking ni Direk Mae, sa pelikula nila natutong sumakay ng jeep si Donny na never nitong naranasan sa buong buhay niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“’Yung sa jeep na eksena, dapat nagmamadali kayo, so take, action! Si Donny, hinayaan lahat, pumila siya! Sabi ko, hindi ‘to pila,” ang pahayag ni Direk Mae sa grand mediacon ng “Can’t Buy Me Love” kagabi.

Pinaalalahanan ng Kapamilya director si Donny na kalimutan muna ang pagiging gentleman sa mga nasabing eksena, “Kasi masyado kang polite in real life, kapag ganyan in real life, dog-eat-dog world, nagmamadali ka.”

Tanong nga raw niya sa binata nang makita niyang hindi pa rin nito magetsing ang nasabing eksena, “First time mo bang sumakay ng jeep?” Na sinagot agad ni Donny ng, “Opo.”

Baka Bet Mo: Donny Pangilinan tuloy pa rin ang panliligaw kay Belle Mariano, nagsabihan na nga ba ng ‘I love you’?

“First time n’ya so nanibago talaga siya du’n,” aniya pa.

Samantala, first time namang gaganap na rich Chinese girl si Belle sa isang serye, “Until now, kinikilala ko pa si Caroline, but I did seven days of Hokkien classes and talagang in-immerse ko ‘yung sarili ko sa mga culture ng Chinese.

“Kasi ‘yung character nga ni Caroline dito she comes from a wealthy Chinese family so kami ni direk (Mae), parang date, nag-usap kami the whole day about Caroline lang,” sey pa ni Belle bilang bahagi ng ginawa niyang preparasyon sa serye.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Hirit naman ni Donny, “Kapag matatapos ‘yung day namin ni Belle, the more that we immerse ourselves in our environment kasi sobrang magkaiba ‘yung worlds naming dalawa.

“Kami rin ni direk, we scheduled an entire day, umikot kami ng Binondo, Divisoria. First time kong umikot with Direk. We just went around incognito kasama ‘yung team,” aniya pa.

Talaga raw in-encourage siya ni Direk Mae na obserbahan ang mga taga-Binondo at Divisoria kung paano sila magtrabaho at makisalamuha sa ibang tao.

“Kasi ang daming pagdadaanan ni Bingo sa series na ‘to kaya I want to make sure na alam ko rin ‘yung mga pagdadaanan ni Bingo at alam ko rin kung papaano sila magsalita. I also get a lot of help from my co-actors here – sina kuya Ketchup (Eusebio), Hyubs (Azarcon), si Anthony (Jennings),” sey pa niya.

Mapapanood na ang “Can’t Buy Me Love” sa Netflix simula sa October 13, 72 hours ahead of free TV and 24 hours before it’s shown on pay TV.

DonBelle sumabak na sa look test, photo shoot para sa bago nilang serye na ‘Can’t Buy Me Love’: ‘We went through immersions na rin’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Donny, Belle super excited na sa shooting ng ‘Can’t Buy Me Love’, shoutout sa DonBelle fans: ‘Finally the wait is over, ito na guys, ito na ‘yun!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending