Vice nag-apologize sa bashers matapos tumanggap ng parangal: ‘Hindi ko po sinasadyang pikahin na naman kayo sa award na ito’

Vice nag-apologize sa bashers matapos tumanggap ng parangal: 'Hindi ko po sinasadyang pikahin na naman kayo sa award na ito'

Vice Ganda

SA kabila ng mga kinasasangkutang kontrobersya, feeling ni Vice Ganda ay patuloy pa rin siyang bine-bless ng Panginoong Diyos.

Sunud-sunod din kasi ang natatanggap na parangal ng TV host-comedian ngayong taon, ang latest nga ay ang pagiging Iconic Pinoy comedian ng Philippine showbiz.

Pero sobra ang panghihinayang ni Vice dahil hindi niya ito natanggap nang personal sa closing ceremony ng 3rd Philippine Film Industry Month last September 29.

Kasama ni Vice na pinarangalan sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Ai Ai delas Alas, Eugene Domingo, Michael V. at ang yumaong Comedy King na si Dolphy.


Sa isang live episode ng “It’s Showtime”, nag-sorry si Vice dahil hindi nga siya nakadalo sa event kasunod ng pagpapasalamat sa lahat ng mga taong patuloy ang pagsuporta at pagmamahal sa kanya.

“Malaking honor itong trophy na to kaya malungkot din ako kasi hindi ko siya nakuha kahapon. I wasn’t there to personally accept the trophy and to personally say my speech.

“Nagpapasalamat po ako sa Film Development Council for this award,” ani Vice sabay tingin sa hawak na trophy. “Ayun o, Jose Marie ‘Vice Ganda’ Viceral, ako to.

“Maraming, maraming salamat po sa pagkilala ninyo sa mga naging kontribusyon ko sa industriya, sa pelikula, lalung-lalo na.

Baka Bet Mo: Nikki tinulungan ng ABS-CBN para mapag-aral ang anak; nagpasalamat kay Wenn Deramas

“Nagpapasalamat ako sa Film Development Council for considering me to be one of the few celebrities na binigyan ninyo ng pagpaparangal o tropeyo kahapon. Maraming-maraming salamat po,” mensahe pa niya.

Hirit pa niya, “This is just very timely. As usual, the design is very consistent, di ba? The design is very consistent, yung after a few days, may award. Laging ganu’n, di ba?

“Alam na alam ng madlang pipol yan. Gets na gets na nila yan. The design is very consistent,” sey pa ng komedyante na pinaniniwalaang patama niya sa pagsuspinde sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng 12 araw sa “It’s Showtime.”

Nauna rito, nanalo rin si Vice bilang Best Asian Original Game Show sa Content Asia Awards 2023 para sa “Everybody, Sing” ng ABS-CBN.

Wala rin ang Kapamilya comedian sa naganap na awarding ceremony sa Thailand kaya nagpasalamat uli siya sa isang episode ng “It’s Showtime.”

“Sa lahat ng mga tao na nakakakilala sa akin, alam nila kung gaano kahalaga itong award na ito sa akin. Alam nila kung bakit ito napapanahon. Alam nila kung bakit ang sarap nito ngayon. Maraming-maraming salamat.

“Blessing after blessing, after blessing, after blessing, oh my God, the design is very consistent. Thank you Lord. God’s voice is breaking through all the noise,” aniya.

Special mention din ni Vice ang yumaong direktor na si Wenn Deramas na naging direktor ng mga box-office hit niyang mga pelikula.


“Inaalay ko tong karangalan na ito sa maraming mga direktor na bumuo ng mga pelikula ko, lalung-lalo na sa the late great Wenn V. Deramas.

“Si Direk Wenn ang gumawa ng pangalan ko sa pelikula. Maraming-maraming salamat po. Si Direk Wenn din ang nagpaingay ng pangalan ko sa pelikula.

“Siya rin ang dahilan kung bakit sa kauna-unahang pagkakataon na mabigyan ako ng Phenomenal Box Office Award tapos naging Phenomenal Box Office Superstar na in-award sa akin ng Guillermo.

“Maraming-maraming salamat, Direk Wenn, habang buhay kaming magpapasalamat sa yo at hindi ka mawawala sa aming isip, sa puso namin at lagi ka naming pasasalamatan.

“Si Direk Wenn kasi, napakalalim ng itinanim niya sa amin, sa amin na mga anak niya na hanggang ngayon damang-dama namin.

“At naniniwala ako na hanggang ngayon, damang-dama pa rin siya ng Filipino audience at hinahanap-hanap si Direk Wenn. Lalung lalo na tuwing Pasko. Maraming-maraming salamat, Direk Wenn,” ang bahagi pa ng speech ni Vice.

Ito naman ang mensahe niya sa mga bashers, “At buong pagpapakumbaba kong inaalay itong karangalang ito sa lahat ng madlang pipol na patuloy na naniniwala at patuloy na tumatawa sa lahat ng ginagawa ko at sa patuloy na nagmamahal sa akin unconditionally, maraming-maraming salamat.

“Buong pagpapakumbaba ko pong inaalay tong karangalang ito. At buong pagmamayabang ko namang ipini-flex ang award na ito sa lahat ng mga alam mo na. I apologize, hindi ko po sinasadyang pikahin na naman kayo sa award na ito.

“Maraming natutuwa, maraming masayang-masaya para sa akin, at alam ko naman na marami rin ang tumataas ang kilay. Marami na naman ang nabubuwisit dahil sa award na ito.

“Hindi ko sinasadyang pikahin kayo dahil sa parangal na ito. Pero sini-share ko pa rin sa inyo, sana maging inspirasyon to sa lahat,” aniya pa.

Inialay din niya ang natanggap na award sa lahat ng bumubuo sa “It’s Showtime” at sa asawa niyang si Ion Perez, “Thank you, Lord, because I continue to win.”

Darryl Yap: Ang kapal na lang ng mukha ko kung sasabihin kong sumusunod ako sa yapak ni Direk Wenn

‘First Yaya’ director biglang naalala si Wenn Deramas sa viral ‘basura’ comment ni Andoy Ranay

Read more...