Cristy Fermin hindi galit kay Vice Ganda: Galing sa konsensya, galing sa puso ko, wala! | Bandera

Cristy Fermin hindi galit kay Vice Ganda: Galing sa konsensya, galing sa puso ko, wala!

Therese Arceo - October 05, 2023 - 02:31 AM

Cristy Fermin hindi galit kay Vice Ganda: Galing sa konsensya, galing sa puso ko, wala!

NILINAW ng kolumnistang si Cristy Fermin na wala siyang nararamdamang galit sa Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Sa kanilang vlog na “Showbiz Now Na” ay napag-usapan nila kasama ng kanyang mga co-hosts na sina Romel Chika at Wendell Alvarez ang estado ng kanilang Kapamilya noontime program.

Habang nagbibigay opinyon ay nabanggit ni Cristy na may mga kaibigang nagtatanong kung ano o bakit siya galit sa komedyante.

Aniya, wala naman siyang nararamdamang galit kay Vice Ganda bagkus parte lang ng kanyang trabaho ang kanyang ginagawa.

“May nagtanong po sa akin mga kaibigan ko, ano ang galit mo kay Vice Ganda? Wala. Sagot ko diretso, wala. Galing sa konsensya, galing sa puso ko, wala. Wala pong ginagawang anumang masama sa akin si Vice Ganda,” saad ni Cristy.

Pagpapatuloy niya, “Kaya lang bilang bahagi po ng aming trabaho bilang manunulat at humaharap sa inyo sa camera, pinapalakpakan po namin ng tama at amin pong pinapansin ang sa palagay namin at sa aming opinyon ay lumalabis na kailangan lamang sa himpapawid.”

Baka Bet Mo: Cristy sa pagtawag ni Rendon kay Ion ng palamunin: ‘Wala kang pakialam sumuka man siya sa kabusugan, tumabi-tabi ka d’yan!’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sundot naman ni Romel sa mga sinabi ni Cristy, may mga fans raw kasi si Vice Ganda na ang nais lang raw na marinig ay ang pabor sa kanilang iniidolo.

Sey pa niya, hindi naman daw maganda ito at kung may mali ay dapat ring punahin para ma-correct ito.

“At sa akin ano, ‘yung kayabangan ni Vice Ganda, pinaninindigan ko po ‘yan. Mula’t mula po talaga ay naturalesa na talaga ni tong si Vice Ganda ang kayabangan. Nang siya po ay sumikat nagkaroon ng milyones, lalo pong nakadagdag yun sa lakas ng loob niya para magyabang,” hirit pa ni Cristy.

Dagdag pa niya, “Pero yun po siya e. Kailangan nating tanggapin na ang tao po, kapag ang naturalesa ay ganun na, kahit ano pong sabihin natin hindi naman siya susunod e. Walang kahit sino na pupwede siya mapagpahinuhod at makinig at magpapakumbaba.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey pa ni Cristy, tila kakambal na ni Vice Ganda mula noon ang pagkamayabang.

Related Chika:
Rendon Labador nagulat kay Cristy Fermin: Akala ko patay na ‘to

Sey ni Cristy Fermin, Vice Ganda tinatamaan na ng depresyon at anxiety; kinikilabutan kapag naririnig ang mga salitang ‘icing’ at ‘cake’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending