Carla wish maka-collab sina Marian at Maine: ‘Sana po kahit sa isang social media post lang’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Carla Abellana, Marian Rivera at Maine Mendoza
MARIING itinanggi ng Kapuso actress na si Carla Abellana na umalis siya sa Luminary Talent Management ni Popoy Caritativo nang dahil kay Tom Rodriguez.
Last September 26, ipinakilala sa mga members ng entertainment media si Carla bilang bagong talent ng All Access to Artist (Triple A Management) na pinamumunuan ng presidente nitong si Mike Tuviera.
Kumalat kasi ang chika na nagdesisyon siyang kumalas na kay Popoy dahil talent din nito ang kanyang estranged ex-husband na si Tom Rodriguez balitang babalik na sa Pilipinas very soon.
“Actually, parang hindi naman po. Kasi, kung dahil lang do’n, dapat umpisa pa lang, umalis na ‘ko. But of course, professional po akong tao.
“Hindi naman po ako basta-basta aalis ng Luminary kung dahil lang sa reason na ‘yon po. Wala pong kinalaman. Nothing to do with that,” paliwanag niya.
Ayon kay Carla, maayos ang naging paghihiwalay nila ni Popoy bago lumipat sa Triple A, “And of course, no bad blood po yan, maayos naman po akong nagpaalam kay Popoy.
“Of course, pumayag naman po siya at hindi naman po niya ko talagang pinigilan or anything.
“Wala naman pong away or misunderstanding or anything. Kumbaga, maayos po ang aking pag-alis, pagpapaalam ko po sa kanya.
“Of course, I’ll always be grateful naman po sa lahat ng trabaho, sacrifies, lahat ng effort, hardwork na binigay po ni Popoy sa akin.
“At saka, kahit sa labas po ng trabaho, si Popoy ‘yan. Kumbaga, hindi na po ito trabaho, yung aming relationship, hindi na po mababago,” pagbabahagi pa ng aktres.
Pero bakit nga ba nagdesisyon siyang lumipat ng talent management? “Parang nararamdaman ko po na marami pa po akong gustong gawin, gustong subukan. Nararamdaman ko po na sa ibang management ko po magagawa.
“At buti na lang, nagpaubaya naman po si Popoy at maayos naman po silang nag-usap ni Direk Mike,” aniya pa.
Nag-expire na ang kontrata ni Carla sa GMA at hindi pa siya pumipirma uli kaya may mga chika na lilipat na siya sa ABS-CBN at makakasama raw sa “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin.
“Sa tingin ko po, kaya po yan maingay o nagsimula yung gano’ng chismis dahil yung kontrata ko po sa GMA, nag-expire na noong May.
“So, medyo matagal na rin pong expire. Four months na rin pong expired ang aking kontrata. So, siguro po, do’n po nagsimula ‘yon.
“At wala pa pong renewal, wala pang signing or anything. So, siguro kaya may gano’ng nakakasingit kasi po, e, question mark pa po ‘yon,” paliwanag niya.
“Sa ngayon po, e, wala pa naman po akong pinipirmahan na kahit anong kontrata naman po to any network,” aniya pa.
“Under negotiation” pa rin daw renewal of contract niya sa GMA, “Definitely, pinag-uusapan na rin po ‘yan. Ilang months na rin po, dinadaan sa negotiation and may mga discussions na rin po.”
Very soon ay mapapanood na ang bago niyang teleserye sa Kapuso network, ang “Stolen Life” with Beauty Gonzalez and Gabby Concepcion.
Sey ni Carla, marami pa siyang gustong gawin sa kanyang showbiz career, “Whether sa pelikula or sa teleserye, marami pa po akong hindi nakakatrabaho.
“In terms of mga hindi ko pa nakaka-trabaho, do’n po ako, e, more than sa role. Do’n sa hindi nakakatrabaho, mas do’n po ako nae-excite.
“Alam naman po natin na sa industriya natin, mas maliit po ang chance na maka-trabaho namin ang ibang artista pa na hindi ka-same network.
“So, doon po ako nae-excite. Yun po ang parte ng aking wish list or bucket list. Magkaroon po ako ng chance na makatrabaho sila, lalo na mga leading men pa,” ani Carla.
Wish niya raw makatambal si Piolo Pascual sa next project niya. Gusto rin niyang makatrabaho sina Marian Rivera at Maine Mendoza na kapatid na rin niya ngayon sa Triple A.
“Sana po kahit isang social media post lang with Ms. Marian Rivera at Maine Mendoza. Hindi naman po kailangang full project,” aniya pa.