Napoles bibigyan ng immunity ng Senado | Bandera

Napoles bibigyan ng immunity ng Senado

- October 24, 2013 - 02:13 PM

Janet Lim Napoles at Jinggoy Ejercito INQUIRER

MAAARING bigyan ng immunity ng Senado si Janet Lim-Napoles kung ibubuking nito ang lahat ng mga senador at kongresista na nakinabang sa P10 bilyon na pork barrel scam na kanya umanong pinangunahan.
“I want her to identify all the congressmen and senators that she (bribed),” ani Senator Sergio Osmeña III, vice chairman ng Senate blue ribbon committee na nag-iimbestiga sa scam, nang tanungin kung ano ang kanyang nais marinig mula kay Napoles sa pagtestigo nito sa Nobyembre 7.
Pero duda siya kung sasagutin ni Napoles ang tanong maliban na lamang kung bibigyan ito ng immunity mula sa mga kaso at gagawing state witness.
“We have the authority to grant immunity. We have done that in the past,” paliwanag ni Osmeña.
Nang tanungin kung maaari ngang bigyan ng immunity si Napoles ng Senado sakaling ibabandera nito ang lahat ng nalalaman sa anomalya, ang sagot ni Osmeña: “Yes, immunity will always be an option.”
Nang muling tanungin kung papayag ba ang kanyang mga kapwa-senador sa plano sa harap ng galit ng publiko sa walang habas na paglulustay ng pera ng bayan, ang kanya namang sagot:  “You know that’s a 64-dollar question. I can’t read their minds.  I’m hopeful they will insist on finding what the truth is and (if) we will get at the greater truth by having Napoles testify, so be it.”
Habang naniniwala si Osmeña na si Napoles ang “utak” sa scam, nanindigan siya na ang mga opisyal ng pamahalaan na sangkot ay mayroong “heavier responsibility since he took an oath  to serve the Filipino people.”
“I mean, if I am accused, to me I have a heavier responsibility to prove my innocence because I’m supposed to be above suspicion, I’m not supposed to be fooling around,”  giit niya.
Tatlong senador —Juan Ponce-Enrile, Jose “Jinggoy” Estrada, at Ramon “Bong” Revilla Jr.—ang isinangkot sa anomalya at kinasuhan na ng plunder sa Office of the Ombudsman dahil sa paglalagay umano nila ng kanilang  Priority Development Assistance Fund or “pork barrel” funds sa mga pekeng non-government organizations ni Napoles. —Inquirer

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending