Kung may mga naghihiwalay man, may mga pairs naman na tila hindi proud o di kaya’y masasabing may pinagtataguan o pinuprotektahang “something”.
Unahin na natin sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na mukhang mas may malalim na ngang ugnayan.
Matindi ang pakiusap ni Matteo na huwag na siyang tanungin tungkol kay Sarah, gayundin ang Pop Princess na nagpahiwatig pa ng, “Ibigay na lang sa amin kung anuman ang mayroon kami. Malalaman din naman ng lahat ang totoo.”
In fairness naman kasi kay Sarah, hindi naman ‘yan kaladkaring babae, sure kami na hindi ‘yan basta papatol sa isang lalaki kung hindi naman niya mahal. Kaya kung type man niya si Matteo, siguradong pinahirapan muna niya ang binata bago ibigay ang matamis niyang “oo”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.