Jillian Ward natupad na ang pangarap maging superhero, napasabak sa pagiging action star

FINALLY, natupad na rin ang matagal nang pangarap ng tinaguriang Star of the New Gen na si Jillian Ward na maging isang superhero.

Sa gitna ng pamamayagpag ng kanyang afternoon series na “Abot-Kamay Na Pangarap” na nagbigay sa kanya ng titulong Queen of Daytime Drama, binigyan pa siya ng isa pang bonggang project ng mga bossing ng GMA 7.

Iyan ay ang superhero series na “Captain Kitten”, ang bagong four-episode ng “Daig Kayo ng Lola Ko” na mapapanood na sa darating na Sabado, 6:15 p.m..

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media si Jillian sa zoom presscon ng “Captain Kitten” kahapon at dito nga niya nabanggit ang katuparan ng kanyang pangarap na maging superhero.

Abot-langit ang pasasalamat ng dalaga dahil hindi pa man natatapos ang kanyang panghapong teleserye ay heto’t may bago na naman siyang regalo sa kanyang mga fans.

Baka Bet Mo: Jillian Ward ayaw pang magpaligaw at magkadyowa; pangarap maka-collab sa susunod na project si Vice Ganda

“Yes, one year na po kaming nagdadrama and people now, when they see me, they call me as Doctora Annalyn, my name in the series.

“At maraming nagsasabing parents na natutuwa sila kasi naiimpluwensiyahan ko raw ang mga anak nila to be good daughters at para kumuha rin ng medicine in college,” ang chika ni Jillian nang matanong kung anong feeling na patuloy na namamayagpag ang kanilang serye.

Samantala, ibang Jillian Ward naman ang mapapanood sa “Captain Kitten” kung saan makakasama niya sina Gabby Eigenmann, Kim Perez, Shuvee Etrata, Archie Alemania at Angela Alarcon.

“I got excited when they told me I’ll be back in ‘Daig Kayo ng Lola Ko’ kasi I started with it as a child star six years ago in 2017.

“Ang kasama pa namin noon was si Lola Gloria Romero, who I really miss.  Our new episode is ‘Captain Kitten’ and I play the title role, a student na nabigyan ng special powers para maging superhero to help animals na naaapi,” pagbabahagi ng Kapuso star.

Refreshing daw para kay Jillian ang “Captain Kitten”, “Kasi one year na akong nagdadrama sa ‘Abot Kamay na Pangarap’, so this show is a welcome break for me. Pinaghalo itong action and fantasy.

“Yes, may fight scenes ako rito and may action stunts ding ginawa. Yung mga suntok, sipa ginawa ko talaga myself kasi gusto kong ma-experience,” aniya pa.

At in fairness, hindi raw nagpa-double si Jillian sa mga action scenes niya sa “CK”, ayon mismo sa direktor ng programa na si Rico Gutierrez, “Yung makikita nyo sa action scenes dito, si Jillian talaga yun. Ayaw niyang dayain.”

“Meron naman pong fight instructors to help me kasi hindi ako sanay sa mga ganoong eksena. At siyempre, may safety measures  din para hindi magkasakitan.

“Pero after each action scene, talagang pagod na pagod ako sa taping, but it’s all worth it. Ang sarap palang mag-action,” sey pa ni Jillian.

Related Chika:

Bea super excited nang makabisita sa bahay ng DongYan: Gusto ko silang ipagluto ng kaldereta!

Read more...