Captivating Katkat makasaysayan ang pagkapanalo sa ‘Drag Race PH’ Season 2

Captivating Katkat makasaysayan ang pagkapanalo sa ‘Drag Race PH’ Season 2

PHOTO: Instagram/@captivatingkatkat

GUMAWA ng kasaysayan ang drag veteran na si Captivating Katkat matapos maging big winner sa second season ng “Drag Race Philippines.”

Siya kasi ang kauna-unahang transgender woman na kinoronahan sa nasabing kompetisyon.

11 na contestants ang natalo niya sa nasabing reality competition program.

Ang final episode ay ipinalabas noong October 4 kung saan itinanghal din siyang “drag superstar” matapos niyang matalo sa lip-sync showdown si Arizona Brandy.

Ang kanyang winning song ay ang “Kapangyarihan” ng iDolls.

Mapapanood sa huling episode na humagulgol sa iyak si Captivating Katkat nang i-announce ang kanyang pangalan bilang big winner ng show.

Ang korona ay ipinasa sa kanya ng Season 1 winner na si Precious Paula Nicole.

Baka Bet Mo: Jomari suportado ang pagiging car racer ni Andre: ‘Hindi ko na-influence yung bata but it’s a gift at hilig niya talaga’

Ilan lamang sa mga premyo na natanggap ng drag queen winner ay P1 million at isang taong supply ng “Anastasia Beverly Hills” na cosmetics makeup.

Ang itinanghal naman na Miss Congeniality sa season 2 ng programa ay si Hana Beshie.

Si Captivating Katkat ang isa sa mga transwoman na unang sumali sa kompetisyon kasama sina Bernie at M1ss Jade So.

Kung maaalala, nagsimulang ipalabas ang season two ng “Drag Race Philippines” noong Agosto.

Samantala, kasabay ng kanyang panalo ay inaresto ang kapwa-drag performer na si Pura Luka Vega.

Base sa ulat, ang warrant of arrest laban kay Pura ay inisyu ni Hon. Czarina Villanueva, ang presiding judge ng Manila- Regional Trial Court (RTC) Branch 36.

Ito’y para sa mga kasong Immoral Doctrines Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows  (2)(B)(3) AND (2)(3)(5) of Revised Penal Code Article 201 na may piyansang P72,000.

Related Chika:

Read more...