Bea hinding-hindi makakalimutan ang ginawa ni Dominic sa matandang babaeng nakasabay nila sa tren sa Europe

Bea hinding-hindi makakalimutan ang ginawa ni Dominic sa matandang babaeng nakasabay nila sa tren

Bea Alonzo at Dominic Roque

MAS marami pang nadiskubre ang award-winning Kapuso actress na si Bea Alonzo kay Dominic Roque habang nagbabakasyon sila sa Tuscany.

Nagpapakaligaya ngayon ang engaged couple sa kanilang Europe trip matapos magkawalay nang ilang linggo nitong nakaraang buwan.

Nagbahagi si Bea ng ilang detalye about their trip sa pamamagitan ng kanyang social media na pinusuan at ni-like ng sandamakmak na netizens.

Kuwento ng aktres, talagang si Dominic daw ang nagbubuhat ng mabibigat nilang bagahe habang bumibiyahe sila mula Lugano, Switzerland hanggang Milan, Italy.


In fairness, tumutulong din naman siya sa pagbubuhat ng ilang maleta pero si Dom daw talaga ang nagsisilbing “kargador” sa kanilang mga trips abroad.

Sa kanyang Instagram account, nag-share si Bea ng video clip ng ilang kaganapan sa kanilang pagbabakasyon sa Europe, kabilang na ang pagtse-check in nila sa kanilang hotel at paglalamiyerda sa iba’t ibang tourist spots.

Aniya sa caption, “Under the Tuscan sun.

“We took the train from Lugano to Milan, and from Milan, we had to ride another train to get to Florence. We then rented a car and drove to Tuscany.

“Although I helped, Dom did all the heavy lifting and managed to drive the vehicle.

“We were happy to find out that the beautiful hotel Villa we booked to stay in happens to be a Unesco World Heritage site, and we stuffed our faces with their handmade pasta and perfectly cooked bistecca under the moonlit olive trees.

Baka Bet Mo: Dominic Roque super cry din sa engagement nila ni Bea: ‘Sino bang mag-aakala na yung crush ko lang noon ay parte na ng araw-araw ko ngayon?!’

“This will definitely go to my core memory,” mensahe pa ng Kapuso star.

Sey pa ni Bea, ang pag-iikot nila sa iba’t ibang bansa ang isa sa mga gustung-gusto nilang gawin bilang magdyowa kung saan mas nakikilala pa nila ang ugali at personalidad ng isa’t isa.

Super touched din daw siya nang masaksihan ang pagtulong ni Dominic sa isang matandang babae sa pagbubuhat ng luggage nito sa tren na kanilang sinakyan.

Naa-appreciate rin daw niya ang palaging pagbaba ni Dominic sa kanilang hotel every morning para ikuha siya ng kape.


Pagpapatuloy ni Bea sa kanyang IG post, “Traveling together as a couple allows you to discover the different sides of your partner.

“It still makes my heart melt when Dom helps the old lady carry her suitcase on the train, the way he offers to take a picture of a couple we pass by and promises to send them a high-res version of the photo, and just the way he goes down the hotel in the morning to get me a good cup of coffee,” pagbabahagi pa ng dalaga.

Dagdag pang mensahe ng aktres, “No relationship is perfect, but these qualities offset all the others. It’s the little things that make me love him more. (heart emoji) #btravels.”

Sa isang panayam kay Bea, sinabi nitong wala pa silang maibibigay na detalye ni Dom about their wedding, “Nothing is concrete, obviously. We haven’t really talked about it. Kami ni Dom, nangangarap pa lang kami.

“Nandu’n pa lang kami sa point na nagse-send kami ng mga Pinterest photos to each other, YouTube links, mga wedding videos. Yung ayaw mo muna na-i-stress yung sarili mo sa mga pa-concrete plans,” sabi ni Bea.

Matatandaang naiyak ang aktres nang mag-propose sa kanya si Dominic noong July 18, 2023.

Pagpapakasal nina Bea Alonzo at Dominic Roque fake news: ‘Hindi pa kami engaged!’

Bea ibinandera ang ‘BTS’ ng wedding proposal ni Dominic: It felt like everything went in slow motion…

Read more...