Bea ibinandera ang 'BTS' ng wedding proposal ni Dominic

Bea ibinandera ang ‘BTS’ ng wedding proposal ni Dominic: It felt like everything went in slow motion…

Pauline del Rosario |August 14,2023
facebook
share this

Bea ibinandera ang ‘BTS’ ng wedding proposal ni Dominic: It felt like everything went in slow motion…

Pauline del Rosario - August 14, 2023 - 06:00 PM

Bea ibinandera ang 'BTS' ng wedding proposal ni Dominic: It felt like everything went in slow motion…

PHOTO: Instagram/@beaalonzo

HALOS mag-iisang buwan na mula nang mag-propose ang aktor na si Dominic Roque, tila may pahabol pa ang award-winning actress na si Bea Alonzo sa naging memorable day.

Ibinandera ni Bea sa kanyang YouTube channel ang kanyang point of view nang alukin na siya ng kasal ni Dom.

Ayon kay Bea, sa dinami-dami ng proposal scenes na kanyang nagawa sa pelikula ay iba pa rin daw talaga ang pakiramdam kapag ito ay tunay nang nangyari.

“Ganito pala sa totoong buhay. Ilang beses na ako nakagawa ng ganitong eksena,” sey niya sa uploaded video.

Sa umpisa ng “Day in My Life” vlog, mapapanood na abala ang aktres sa pre-shoot ng kanyang GMA Gala.

Makikita rin na bukod sa kanyang team at si Dom ay present din doon ang mismong pamilya ng aktres.

Sa mga panahon na ‘yun, tanging si Bea lang ang walang kaalam-alam sa inihandang sorpresa ng kanyang partner para sa kanya.

Baka Bet Mo: Pagpapakasal nina Bea Alonzo at Dominic Roque fake news: ‘Hindi pa kami engaged!’

Ang nakakakilig na moment ay nangyari sa huling layout ng shoot ni Bea na kung saan ay minanduhan na siya ng photographer na tumalikod muna bago humarap at mag-pose.

At heto na nga, humarap na si Bea pero laking gulat niya dahil nasa harapan na niya mismo si Dom.

Kwento ni Bea, sa pagkakataon na ‘yun ay alam na niya na ito ang moment na kanyang hinihintay, ang mag-propose si Dom!

Tama nga siya dahil bigla ngang lumuhod ang aktor at inilabas na ang kahon na may lamang singsIng.

Doon na makikitang umiyak si Bea, pati ang kanyang ina na si Mary Anne Ranollo na pinapanood ang couple sa isang tabi.

“Actually, you know what, it felt like everything went in slow motion,” sambit ni Bea sa vlog.

Kwento pa niya, “I couldn’t even hear him say anything, I can only hear my thoughts, and I was thinking, this is it.”

“I have been waiting for this day to come for Dom and I to finally build a family, and it’s actually happening,” ani pa niya.

Magugunita noong July 20 nang ma-engage ang dalawa na nangyari sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City.

Makikita pa nga ang black and white pictures na nagulat at napaiyak pa si Bea bago magsabi ng “yes” sa aktor.

Kung matatandaan, taong 2021 nang kumpirmahin ng couple ang kanilang tunay na relasyon.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dominic inaming ‘worth it’ si Bea: I can see our future together

Vice, Aga, Heart, Anne, Juday, iba pang celebs super happy sa engagement nina Bea at Dominic: ‘Yahoooooo!!!! Mga bata ko yan o!!!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending