Talent fee ni Piolo hindi tinawaran ng producer ng ‘Mallari’ na si Bryan Dy: ‘Nahihiya pa nga ako dahil…’

Talent fee ni Piolo hindi tinawaran ng producer ng 'Mallari' na si Bryan Dee: 'Nahihiya pa nga ako dahil...'

Gloria Diaz at Piolo Pascual

ISA-ISA nang ini-reveal ni Bryan Dy ng Mentorque, ang producer ng pelikulang “Mallari” sa kanyang Facebook account kung sinu-sino ang makakasama ni Piolo Pascual sa pelikula.

Pasok si 1969 Miss Universe Gloria Diaz bilang ina ni Piolo, sina Elisse Joson at Janella Salvador ang gaganap na karelasyon nito sa kuwento bilang si Father Juan Severino Mallari, ang makasaysayang parish priest ng Magalang, Pampanga na ipinanganak sa Macabebe.

Isinumite na ng Mentorque ang “Mallari” bilang finished film sa pamunuan ng Metro Manila Film Festival para mapasama sa darating na 2023 MMFF.

Umaasa si Bryan na sana’y makapasok ang pelikula nila, “Sana ma-consider ang Mallari sa MMFF, kasi last 4 movies na lang ang kukunin at maraming nag-submit talaga ang it’s a bit challenging somehow and hoping na ma-consider din kami.”

Nakausap namin si Bryan nang dayuhin namin siya sa Vive Vibes Music Festival sa Lipa, Batangas para sa Rotary Club of Lipa 1954.


Punong abala ang Mentorque producer sa concert nina Yeng Constantino, Kyla, VIXON, I Belong to the Zoo, VMX V, VMX Bellas, at Moira, at binigyan niya kami ng 31 minutes na makausap siya tungkol sa pelikulang “Mallari.”

Hindi pa inilalabas ng Team Mallari ang teaser dahil may timing silang tinatawag pero ipinasilip sa amin ang behind the scenes at talagang napa-wow ang mga kasama naming press dahil ang ganda ng ilaw at ang husay ng pagkakakuha.

Kasi naman award winning ang director of photography o DOP na si Paolo Orendain na laging nominated sa iba’t ibang award giving bodies.

“Mallari is a fictional story and based on a true story, so, it’s horror film na tatlong Piolo ang makikita natin dito since 1800’s, 1940’s and present. So, kaya may tatlong (mukha) ni Piolo.

Baka Bet Mo: Piolo Pascual gaganap na paring serial killer sa horror-drama movie na ‘Mallari’

“Basically, marami sila (cast) but ‘yung prominent that will be with PIolo is JC Santos, Janella Salvador, Elisse Joson and Ms Gloria Diaz,” kuwento ni Bryan.

Ipinasilip din sa amin ang poster ng “Mallari” at iisa ang nasabi namin, “ang ganda!”

Sobrang pinupuri ni Bryan si Piolo dahil ang ganda raw ng naging working relationship nila at napaka-smooth ng takbo ng shooting.

Nabanggit din ito ng manager ni Papa P na si Erickson Raymundo ng Cornerstone Entertainment, “Happy daw siya. Ang gaan daw ka-work ng team.  Masaya siya, enjoy siya sa shoot.”

Pagpapatuloy naman ni Bryan, “Sobrang-sobrang saya ng grupo namin sa performance ni Piolo dahil siguro one good thing was he came from vacation tapos natutuwa ako during the set is ‘yung work flow ng mga tao dahil first time nilang nagsama-sama to work together pero akala moa ng tagal na nilang nagka-work lahat lalo na tong cinematographer, ‘yung buong production.

“And then Piolo said na-challenge siya kasi everyone is doing their job, so, natutuwa ako na very particular siya on how to delivers ‘yung acting niya talagang ibang klase at alam naming mahihirap ‘yubng ipinagawa namin sa kanya and willing siyang to do it,” sabi pa ng producer.

Tinanong kung manggugulat ba si Papa P sa movie, natawang sagot ng producer, “Siyempre horror ‘to, di ba? So, expect mananakot talaga. Hangang-hanga ako sa working relationship ni Elisse at Janella, alam ko given na sa inyo si JC pero iba rin ang ipinakita niya rito.”

Nabanggit ding very tricky ang katauhan ni Piolo sa “Mallari” at talagang inayos ang schedule niya para tuluy-tuloy ang shooting at mabantayan ang bawat detalye.

“Saka si Piolo is very conscious about it, alam naman ng tao si Piolo, ‘yun pero when we started this, we wanted a cinematic experience, cinematography wise, production wise, design, prosthetics lahat, 101% kaming lahat nandiyan.

“And walang kuwenta lahat ng ‘yun kung magiging malabnaw ‘yung acting kaya tama na hindi kami tumawad kay Piolo talaga. Ni-require namin siya for this film at ako na mismo ang nahiya kasi nu’ng binabasa ko ang script at ‘yung ipapagawa namin sa kanya (sobrang hirap),” esplika pa ni Bryan.

Hindi binanggit ni Bryan kung ilang digits ang talent fee ni Papa P at hindi raw talaga siya tumawad dahil nga alam niyang mahirap ang tatlong karakter ng aktor.


“Parang nahiya pa nga ako, eh. Ayaw kong pumunta sa detalye kasi parang Piolo na ‘yun tapos pinagawa mo pa ng ganu’n, di ba?” natawang sabi ni Bryan.

Sa ganang amin ay isa o baka si Piolo na ang highest paid actor sa movie industry dahil sa estado niya ngayon at nananatiling aktibo pa rin sa kanyang acting at singing career bukod pa sa kaliwa’t kanan ang product endorsements.

Sabi pa ni Bryan, “We’re very happy talaga sa ibinigay ni Piolo sa Mallari.  Hindi mo rin puwedeng i-shoot ng tuluy-tuloy kasi iba-ibang (generation).  Sabi nga niya ‘ganito pala ang horror.’

“It takes a lot of effort kasi ibang-iba kaysa sa romcom. Tapos tatlo pa (karakter), so sa scene na ‘yun uulit-ulit pa siya. Talagang pagod siya but he’s very happy sabi niya kasi A-game kaming lahat pati costume design ibinigay namin,” sabi pa.

At ipinagmamalaki pa ng “Mallari” producer na mamahalin ang ginamit nilang latest camera, ang Alexa 35.

“Maraming challenges as a filmmaker ang Filipino setting, but we tried to adapt best practices nu’ng iba for this films para ma-deliver namin ng maayos, so, talagang all out,” pahayag pa ni Bryan.

Producer ng ‘Mallari’ pinaghandaan ang talent fee ni Piolo: ‘Hindi na kami nagtangkang tumawad, kasi…’

Piolo pinangarap maging pari sa edad na 18; sasabak sa matinding challenge bilang serial killer sa ‘Mallari’

Read more...