SB19, Sandara Park pak na pak sa ginawang dance collaborations: ‘P-pop meets K-pop!’

SB19, Sandara Park pak na pak sa ginawang dance collaborations: ‘P-pop meets K-pop!’

PHOTO: Instagram/@daraxxii

TRENDING sa social media ang pagsasama ng P-Pop sensation na SB19 at ng K-Pop idol na si Sandara Park.

Sa Instagram, ibinandera ng SB19 at Sandara ang serye ng dance collaborations na ginawa nila.

Isa sa mga sinayaw nila ay ang hit single ng SB19 na “Gento.”

Caption pa ng grupo sa post, “Ate Dara bringing the [fire emoji] to GENTO! More collabs soon?”

Baka Bet Mo: Ilang P-Pop, OPM artists tampok sa ‘Dunkin’ Campus Pop Tour’, lilibutin ang iba’t ibang school sa Pinas

Hindi naman nagpahuli si Sandara dahil ibinahagi naman niya ang paghataw nila sa latest single niya na pinamagatang “Festival.”

“Festival with #SB19 P-pop meets K-pop [emojis],” wika niya sa IG.

Bukod diyan, nag-post din ang SB19 at si Sandara kung saan makikita ang group picture nila at inihayag ang kanilang pagkatuwa na nag-meet na sila.

Nice meeting you guys~!!! [emojis],” ani ng Korean idol.

Post naman ng P-Pop group, “It was nice meeting you Ate @daraxxi! Handa na ba ang A’TIN at Daralings? [emojis].”

Dahil diyan, maraming fans tuloy ang nagtatanong kung magkakaroon nga ba sila ng proyekto together.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Ayeee..ang pambansang Krung krung at ang pambansang sintu-sinto namin nagsama [emojis] more collab soon na ba yan?”

“Can’t wait for more collabs [face in tears emoji].”

“Yesss to more collabs [emojis] been waiting for this!”

Kasalukuyang nasa Pilipinas si Sandara dahil isa siya sa mga naging guest sa concert ng Thai K-Pop star na si BamBam.

Magtatanghal din sana siya sa isang music festival sa Cebu City sa September 23, ngunit ito ay na-postponed dahil sa “unforeseen circumstances and unpredictable weather condition.”

Samantala, ang SB19 naman ay nakatakdang mag-perform sa ASEAN-Korea Music Festival Round sa Indonesia kasama ang ilan pang K-Pop artists.

Mangyayari ang nasabing event sa October 21 at 22 sa Beach City International Stadium sa Jakarta.

Related Chika:

Sandara Park lumafang agad ng sisig, garlic rice at sinigang na hipon pagbalik ng Pinas

Read more...