ABS-CBN pinag-aaralan ang susunod na hakbang matapos ibasura ng MTRCB ang apela ng ‘It’s Showtime’ sa 12-day suspension

ABS-CBN pinag-aaralan ang susunod na hakbang matapos ibasura ng MTRCB ang apela ng 'It's Showtime' sa 12-day suspension

NAGLABAS na ng official statement ang ABS-CBN ukol ng pagkakadenay ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB sa inihain na motion for reconsideration ng “It’s Showtime“.

Ito ay kaugnay sa naunang pasya ng ahensya na patawan ng 12-day suspension dahil sa ilang paglabag ng programa, isa na nga rito ang pagkain ni Vice Ganda at Ion Perez ng icing sa kanilang segment na “Isip Bata”.

“Naihain na sa amin ang desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board a itinanggi ang aming Motion for Reconsideration para sa programang “It’s Showtime” at pinag-aaralan namin ang aming options,” saad ng ABS-CBN sa kanilang inilabas na pahayag.

Pagpapatuloy nito, “Samantala, habang hindi pa final at executory ang ipinataw na suspensyon, nais naming ipaalam sa aming viewers na patuloy pa rin nilang mapapanood ang ‘It’s Showtime’ sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV. Pwede rin itong mapanood sa Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.”

Lubos naman ang pasasalamat ng ABS-CBN sa lahat ng mga sumusuporta at patuloy na nagmamahal sa programa.

Baka Bet Mo: MTRCB ibinasura ang motion for reconsideration ng ‘It’s Showtime’

“Buong puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagmamahal, sumusuporta, at nanonood ng aming programa. Patuloy kaming maghahatid ng saya at inspirasyon sa aming minamahal na Madlang People,” ayon pa sa pahayag ng Kapamilya network.

Matatandaang nitong Huwebes ng hapon, September 28, nanindigan ang MTRCB sa kanilang naunang desisyon na patawan ng 12-day suspension ang “It’s Showtime” sa pag-ere sa GTV, A2Z, at Kapamilya Channel.

Ayon sa resolution na inilabas ng naturang ahensya, “The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) released a resolution dated 28 September 2023, denying the Motion for Reconsideration (MR) filed by GMA Network, Inc. and ABS-CBN Corporation.

“Said MRs sought relief from the Board’s ruling dated August 17, 2023, regarding the July 25, 2023 episode of the live noontime television program ‘It’s Showtime!’.

“Specifically, during the show’s “Isip Bata” segment, in which hosts Ryan Bang, Vice Ganda and Ion Perez allegedly acted indecently or inappropriately in the presence of children, which is alleged to have violated Section 3 (c) of Presidential Decree No. 1986 and its Implementing Rules and Regulations.

“In view of which, the Board’s decision dated 17 August 2023 is affirmed.”

Related Chika:
Netizens umalma sa 12 araw na suspensiyon ng MTRCB sa ‘It’s Showtime’, Lala Sotto pinagre-resign

‘It’s Showtime’ pinakakansel ng maraming viewers, sey ni MTRCB Chair Lala Sotto

Read more...