HINDI pinagbigyan ng Movie and Television Review Classification Board o MTRCB ang inihaing Motion for Reconsideration ng Kapamilya noontime program na “It’s Showtime“.
Ito ay may kaugnayan sa naunang desisyon ng naturang ahensya na patawan ng 12-day suspension ang programa sa pag-ere on national TV.
Base sa resolution na inilabas ng MTRCB ngayong araw, September 28, iniuutos nito sa management na itigil ang live broadcast ng show ng labindalawang araw.
“The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) released a resolution dated 28 September 2023, denying the Motion for Reconsideration (MR) filed by GMA Network, Inc. and ABS-CBN Corporation.
“Said MRs sought relief from the Board’s ruling dated August 17, 2023, regarding the July 25, 2023 episode of the live noontime television program ‘It’s Showtime!’,” bahagi ng resolusyon na inilabas ng MTRCB.
Nanindigan ang ahensya na “indecent” at “inappropriate” ang naging asta nina Vice Ganda, Ion Perez, at Ryan Bang on air habang nasa harap ng mga bata.
Baka Bet Mo: ‘It’s Showtime’ pinakakansel ng maraming viewers, sey ni MTRCB Chair Lala Sotto
Mas pinagtibay pa nga ng naturang resolusyon ang naunang desisyon ng MTRCB na patawan ng suspensyon ang “It’s Showtime”.
“Specifically, during the show’s “Isip Bata” segment, in which hosts Ryan Bang, Vice Ganda and Ion Perez allegedly acted indecently or inappropriately in the presence of children, which is alleged to have violated Section 3 (c) of Presidential Decree No. 1986 and its Implementing Rules and Regulations.
“In view of which, the Board’s decision dated 17 August 2023 is affirmed,” ayon pa sa MTRCB.
Nauna nang magpahiwatig sa nagdaang budget hearing ng ahensiya ang board member bitong si Atty. Paulino Cases Jr. na maglalabas na sila ng desisyon ukol sa motion for reconsideration ng Kapamilya program.
Dito ay natanong rin ni Sen. Jinggoy Estrada si MTRCB Chairperson Lala Sotto ukol sa hinaing ng iba na masyadong matagal ang ipinataw na 12-day suspension sa “It’s Showtime”.
“Mr. Chairman, there are also a lot of people suggesting to cancel the show. We consider other people’s comments, too. That is not the only comment that we received saying that 12 days suspension is too much,” sagot ni Lala.
Dagdag pa ng MTRCB chair, “There are also a lot who were saying that the show should be cancelled or the number of days [suspension] should be extended.”
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang pamunuan ng “It’s Showtime” ukol sa desisyon ng ahensya.
Related Chika:
Vice Ganda pinaaga ang Pasko sa ‘It’s Showtime’, pina-add to cart lahat ng wish ng staff
Lala Sotto nais ‘patalsikin’ bilang MTRCB chair matapos suspendihin ang ‘It’s Showtime’